Nung nakauwi na kami, diresto agad ako sa kwarto ko. Gustong gusto kong umiyak pero ni isang patak man lang walang gustong lumabas. Nababanas na ko! Nakakapagod na kasi. Gusto ko ng sumuko, pero ano naman sinusukuan ko diba? Nakakatawa lang, habang sila masayang masaya. Habang kilig na kilig sila sa sorpresa nila sa isa't-isa, ako naman parang unti-unti ng nawawalan ng gana sa buhay ko. Kasi ano pang saysay diba?
Pero naalala ko yung sinabi ni Paul, na dapat maging masaya ako kasi minsan din akong nabigyan ng chance na mahalin siya at mahalin din niya pabalik, mahawakan siya, mayakap, makausap at makasama sa matagal din naman na panahon. OO, tama siya. Pero hindi kasi madali, kung sana ang simple lang ng lahat, eh di sana hindi ako nagkakaganito ngayon diba? Minsan ba kailangan talaga natin magpasalamat ang maging masaya kasi nangyari ang isang bagay? Kahit yung kapalit ng pagtatapos na yun ay sakit at paghihirap? Syet lang no? Bakit ba kasi kailangan matapos ng isang pangyayari o isang relation?
Isang patunay lang siguro na walang kahulugan ang salitang FOREVER. Kasi kung totoo yan, nasaan yan ngayon? Kung totoo yan bakit lahat ng tao nakakaranas mawalan ng isang napaimportanteng tao o bagay sakanila? Kung may kahulugan ang salitang habang buhay, yung ay ang manakit ng mga taong naniniwala sa nag-eexist yan. Diba?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, pero kahit sa pagtulog man lang na akala ko makakapagpahinga ako sa sakit eh hindi padin nawala sa panaginip ko yung nangyari kanina. Yung pilit ko padin siyang hinahabol pero hindi ako makaalis sa lugar na kinatatayaun ko hanggang sa pagod na pagod na ko kakatakbo at mas pinili ko nalang huminto. Huminto sa paghabol sa taong ni hindi man lang mag-abala na lingunin ako.
Siguro nga oras nadin para subukuan kong huminto, na itigil na ang paghahabol sa isang taong kahit kailan hindi ko na mahahabol, siguro hindi ko na kailangan maghanap ng rason para tumigil. Sapat ng rason yung my mahal na siya ngayon at hindi na ako yun.
Lumipas ang Sabado't Linggo na wala akong ginawa kundi makipagtalo sa utak ko, pag pumapasok siya sa isip ko pilit ko siyang inaalis at pinipilit mag-isip ng ibang bagay. Nakakapagod yung ganito, pero mas nakakapagod umiyak kaya naman pinipilit ko. Pero natatakot ako na baka pag makita ko siya mawala nanaman ako sa sarili ko, kasi hindi ganito kadali mag move. Sinong sira ulo ang nakapagmove sa loob ng dalawang araw lang diba?
Pumasok ako na punong puno ng kaba sa dibdib ko. Pano ko ulit sila haharapin? Nakakatakot, para silang bangungot sa buhay ko na kahit kailan ayoko ng maisip o makita pa. Pero gaya nga ng sabi ni Paul, wala silang kasalanan dito at mas lalong hindi ko din to kasalanan. Nakakatawa, si Paul na hindi ko man lang kaclose, siya pa yung nagbigay sakin ng daan para isipin ko na my chance pa na makaya kong kalimutan lahat ng nangyari sa amin noon.
Habang papalapit ako sa room namin, hindi ko maiwasan mapahinto dahil sa takot. Ano nanaman ba ang sasalubong sakin ngayon? Huminga ako ng malalim bago ako lumakad palapit sa pinto. Pero bago paman ako makapasok narinig ko yung iba kong kaklase.
"AHHH! Nathan! Grabe ka, ginulat mo kaming lahat sa sorpresa mo kay Tads ah!" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Ang lakas-lakas nung boses nung kaklase kong babae na halatang sobrang saya sa nakita nilang pangyayari nung byernes. Syet lang!!
Hiyawan naman yung iba na halatang lahat kinikilig. Tangna lang! SALAMAT! SALAMAT SA SAKIT! Maya-maya narinig ko ulit na my nagsalita "Next time magsabi ka naman Nathan, para hindi kami nabibigla. At ikaw Nadine, ang swerte-swerte mo sa boyfriend mo ah!!!" dahil sa narinig ko, napasadal ako sa pader malapit sa pinto ng classroom namin. Nanlalambot nanaman tong katawan ko dahil ano pa nga ba diba? Pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinakinggan bawat sabihin nila. Oo tanga na kung tanga, pero hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Dahil baka sa oras na wala na kong sinasandalan, ay bigla nalang sumuko ang katawan ko.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...