Natapos yung gabi na sobrang tahimik namin ni Paul. Di kami nagpansinan buong gabi kahit nga nung pauwi na kami eh. Ewan ko pero di ko maintindihan bakit parang nag-aaway kami ni Paul ngayon. Di ko alam kung my nagawa ba ko o may di ako nagawa. Prangka naman siya diba? Bakit di nalang niya ko kausapin ng maayos at sabihin niya kung ano ang problema o kung bakit ganito. Kasi apektado ako eh.
Pero mas lalo akong naapektuhan nung…nung tinutukso siya dun sa Hannah na kaibigan ng ex niya. Parang gusto kong sumigaw na PWEDE BA MANAHIMIK KAYO KASI HINDI NAKAKATUWA, kaso gaya nga ng sabi ko wala naman akong karapatan. Kung tutuusin ang cute cute niya. Mababa siya ng unti kay Paul tapos tama lang ang kutis niya, tapos ang hinhin niyang tingnan at ang simple niya at yung buhok niya mahaba na medyo wavy ba. Basta ang inosente niya tingnan.
Tapos nung pauwi na kami nun, parang tanga lang.
“Paul! Hatid mo si Hannah ha?” Si Paula pa nagsabi niyan ha. Parang wala silang past ni Paul kung umasta siya. Siguro talagang okay na okay na silang dalawa at wala nalang yun sakanila na nagyari noon.
“AY Paul ha! My di ba kami nalalaman dito ha?” panunukso din naman ni AA. Kung alam lang ni A na sobrang gusto ko na tong lalakeng to, di niya lamang to tutuksuhin na dalawa.
Tiningnan ko muna yung Hannah tapos tiningnan ko si Paul na nakangiti?? Buti pa siya masaya. Kasi mukhang mahahanap na niya yung hinahanap niya. Bagay sila kung tutuusin. Napangiti tuloy ako sa sarili ko, ang tanga ko talaga no? Yumuko nalang ako at nakinig sa tuksuhan nila.
Hinatid nga ni Paul si Hannah. Ako? Mag-isa lang akong umuwi. Dati lagi niya kong hinahatid sa sakayan ng tricy, pero ngayon hindi. si Nathan naman sumabay ulit kay Marianne, kasi diba nga magkalapit lang bahay nila. Gusto niya sana kong ihatid kaso sabi ko susunduin ako nina Ate sa my sakayan ng tricy, pero syempre di naman yun totoo. Gusto ko lang talaga mag-isa muna para naman kahit pano makapag-isip ako ng maayos.
Nakakalungkot kasi…kasi yun lang ba ang role ni Paul sa buhay ko? Yung tulungan niya kong makalimutan yung nararamdaman ko para kay Nathan? Bakit ganun? Feeling ko lagi nalang akong masasaktan, natatakot na tuloy talaga ako.
*************************
Last day na to ng intramurals namin kaya naman pumasok kami. Pero di muna ko tumuloy sa room. Balak ko kasi munang pumunta sa field at tumambay sa puno ko. Dun kung saan ako narerelax kahit pano at nararamdaman kong walang mananakit sakin.
Habang naglalakad ako wala akong makitang tao. Salamat naman kung ganun kasi gusto ko talaga ng katahimikan ngayon. Uupo na sana ako nung my narinig akong bumuntong hininga. Tiningnan ko yung isang side ng puno at nakita ko siya.
“Paul” napatitig ako sakanya na parang ewan ko. Namimiss ko na siya, namimiss ko na yung dating kami. Parang bigla nalang nagbago eh.
“Oh. Kanina kapa andito?” tanong niya habang pinipikit niya yung mata niya.
Naupo muna ko sa tabi niya bago ulit nagsalita “Hindi. Kakarating ko lang. ikaw?”
“Medyo” tapos bumuntong hininga ulit siya. Parang ang bigat tuloy na nararamdaman niya.
Habang nakapikit siya tiningnan ko yung mukha niya. Ewan pero gusto ko siyang yakapin at angkinin nalang. Shit. Mahal ko na ata tong taong to eh.
“Matutunaw ako” tapos ngumisi siya. Nagulat ako ng unti pero napangiti ako kasi nginitian niya ko ulit. Parang ang tagal tagal ko ng di nakita yung ngiti niya eh.
“Asa ka. Hindi nga kita tinitingnan oh!” sabay sandal ko din dun sa puno at halos magkadikit na balikat namin ngayon. Pinikit ko dun yung mata ko kasi gusto kong magrelax na kasama ko tong lalakeng to.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...