Linggo na ngayon at nagsimba ako kasama sina lola. Sinundo nila ko sa bahay kasi wala naman akong sasakyan. Ayoko pang bumili, gusto ko kasi makabisado ulit byahe ng jeep dito o taxi. Kumain lang kami sa labas at bumili nadin ako ng mga kakailanganin ko sa school. Usual stuffs like binder, pen at kung ano-ano pa na kailangan sa school. Nag-enjoy ako kasi namiss ko tong mall na to, namiss ko lahat ng bagay dito.
Tumitingin-tingin ako baka sakalaing my kakilala akong makita dito. O baka swertehin ako at makita ko siya dito diba? Pero wala eh. Di nga pala siya mahilig sa mall kaya siguro kahit linggo o walang pasok di siya napunta dito. Napangiti nga ako, dati kasi kailangan ko pa siyang pilitin na sumama sakin lalo na pag monthsary namin. Syempre dahil mahal niya ko, kahit ayaw niya sa mall, sumasama padin siya sakin at pareho kaming neg-eenjoy syempre.
"Alex? Anak bakit nakangiti ka?" nanlaki naman yung mata ko kasi nagulat talaga ko ni lola. Napangiti lang tuloy ako. Mukha na ba kong tanga kasi nakangiti ako habang iniisip siya?
"Eh, lola naman ginulat mo ko!" hinampas ko sila lola sa braso niya pero mahina lang syempre. Ang saya no? Parang kaibigan ko lang siya. Si lolo naman nakangiti lang at nakatitig samin. Ramdam ko yung saya niya na makita ulit ako. Pero syempre kulang padin kasi wala yung mga kapatid ko.
"Gusto mo na bang umuwi Alex? Maaga kapa bukas diba?" tanong ni lolo habang pinapat niya yung buhok ko. Hay. I missed this. Lahat to!
"Sige po lo, pagod nadin po kasi kayo alam ko" at naglakad na kami papunta sa parking lot. My driver sina lola kasi di na sila pwede nagdrive kasi matanda nadin sila. Nasa unahan si lolo at kami naman ni lola yung nasa likod. Walang nagsasalita samin kasi lahat ata kami napagod maglakad buong maghapon. Pinikit ko nalang yung mga mata ko at inisip yung pwedeng mangyari bukas. Sana makita ko na siya, malapitan at makausap.
Nung nasa tapat na kami ng bahay di na daw sina lola at lolo bababa. Pagod nadin daw kasi sila, kaya naiintindihan ko. Pagod nadin ako kaya naman gusto ko ng magpahinga agad. Nagpaalam na ko sakanila.
"Bye, lo! Bye la!" sabay halik ko sa pisngi nila "Ingat po kayo ha?" at bumaba na ko sa sasakyan. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako pumasok sa loob. At nung tuluyan na silang nawala sa paningin ko pumasok na ko agad. "mga Ate, andito na ko" sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.
"Kain na po Alex" mahinang sabi sakin ni Ate Michelle. Di padin sila sanay sakin, sabagay naiintindihan ko. Dalawang araw palang naman ako dito eh "Nagluto po ako ng soup tsaka yung paborito niyo daw po na bopis" kumunot naman yung noo ko kasi nagulat ako pano agad nalaman ni Ate?
"Pano mo ate nalaman?" curious na tanong ko. Alam ko kasi wala pa kong nababanggit sakanila. Tsaka yung pagbanggit niya ng bopis na yan ay nagbigay nanaman ng isang magandang alaala sakin.
"Sorry po Alex, tinanong ko po si Maam Donna" tapos yumuko siya. Kaya naman pala, oo nga alam ni Aunty anong mga paborito ko kasi diba nga close talaga siya sa family namin "sana po magustuhan niyo, ihahanda ko na po" at umalis na siya at pumasok na sa kusina. Sinundan ko siya kasi my nakalimutan akong sabihin na importante.
"Ate! Eh wag mo na kong i-PO ah. Okay? Suntukin kita sige" syempre biro lang naman yung suntok kaya naman natawa siya. At tumawa nadin ako, kasi naman ayoko talaga na my po lagi na sinasabi sakin pag kausap ako."Asan nga pala ate si Ate Maricel?" sabay ikot-ikot ko nung ulo ko. Di ko kasi siya nakikita eh.
Huminto na si ate sa pagtawa at nagsalita na "Naglilinis siya sa taas. Pero di niya nalinis kwarto mo kasi nakalock daw" tumango naman ako. Nilock ko talaga yun hindi dahil sa wala akong tiwala kina ate, pero mas gusto kong ako yung naglilinis nun para kabisado ko mga gamit ko.
"oh sige ate, aakyat na muna ko ah. Bababa nalang ako tapos sabay sabay na tayong kumain" di ko na siya hinintay sumagot. Alam ko kasing tatanggi siya sa offer ko kaya umakyat na ko agad. Pag akyat ko nakita ko nga si Ate Maricel na naglilinis. Binati ko naman siya at pumasok na sa kwarto ko. Nagbihis at naghilamos ako para naman pakatapos kong kumain diretso nalang ako hihiga at matutulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/743943-288-k3140.jpg)
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomantizmAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...