Who's Got the Pain?: Twelve

455 12 0
                                    

Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Di ko inaasahan na ganito yung mangyayari! Pero anong gusto niyang palabasin? Na ako na yung sumisira sakanila? Na ako yung dahil bakit COMPLICATED status nila ngayon? Siguro partly oo, pero bakit kailangan niyang ipaalam sa lahat? Ganun ba niya kagusto na maging masama ako sa tingin ng ibang tao? Leche talaga!

Kukunin ko phone ko para tanungin sina Marianne at AA kung nabasa na nila kaso pagdampot ko biglang nag vibrate at my dumating na message.

Sender: Paul Castro

Umiyak kana ngayon. Wag bukas. Nabasa ko nga pala, wag mo sisihin sarili mo. 

Napatitig lang ako sa phone ko, di ko alam. Hindi ako masyadong nasasaktan sa nabasa ko, pero nagagalit ako. Nagagalit ako kay Tads at Nathan. Kasi akala ko ba mahal na mahal nila ang isa't isa? Bakit sa simpleng kanta at titigan lang na nangyari kanina nagkakaganito na sila? 

Pero sa dulo ng isip ko parang my nagsasabi na dapat maging masaya ako, kasi my pag-asa na ulit ako kay Nathan. Na pwedeng mahalin na ulit niya ko gaya nung dati. Pero pakiramdam ko, hindi ko na kaya. Oo mahal ko pa siya pero parang ayoko na sakanya. Naiintindihan niyo ba? Ewan ko. Ang gulo na kasi kaya tinext ko nalang si Paul.

To: Paul Castro

Magtaka ka! Hindi ako naiiyak ngayon. NAGAGALIT AKO! 

Pag send ko nun nag out na ko sa facebook kasi baka kung ano pa mabasa ko at hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi siya patulan. Ano pala talaga yung kanina? PLASTIKAN? Syet lang. Lalumin niya ang sorry niya. Ewan ko, nagagalit talaga ko kay Tads. Sana hindi nalang siya nagsorry kung ganito lang naman gagawin niya. Mas okay pa sana kung pinanindigan nalang niya yung sinabi niya kanina nung galit siya, na sana hindi nalang ako bumalik dito. At least makokonsensya pa ko nun, pero eto? Sa ginawa niya? Salamat nalang!

Ilang mintuo din my nareceive ulit akong message, pero pagbukas ko. Hindi ko inaasahan yung mababasa ko at kung kanino galing.

Sender: 0929............

Alex! Masaya kana?! Unti-unti mo na kaming nasisira. Pero tandaan mo, ako ang mahal ni Nathan at hindi na ikaw! Yung sorry ko kanina? Kalimutan mo na yun. Hiniling lang sakin yun ni Nathan kaya ko yun ginawa.

Hindi ko na kailangan itanong kung sino siya kasi halatang halata naman kung sino. Parang gusto kong itapon phone ko sa mukha niya dahil sa sobrang galit. Si Nadine ba to? Si Nadine na close friend ko nung high school? Si Nadine na nagpataha sakin nung unang beses kong malaman na sila na ni Nathan. Eto ba talaga siya? O masyado lang niyang mahal si Nathan kaya nagkakaganito siya? Kasi matagal ko siyang nakasama at alam kong hindi siya ganito kahit galit pa siya. Kaso ibang usapan na to, yung mahal niya ang nakataya dito. Kaya ata ganito siya kung makapagreact.

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Nanginginig ako sa sobrang galit. Ayoko pang magreply sakanya kasi baka kung ano pa masabi ko. Pag galit kasi ako hindi ko makontrol yung sarili ko kaya naman mas pinipili kong manahimik muna tsaka ayokong madagdagan pa yung hinanakit niya sakin. 

Maya-maya pa nag vibrate ulit yung phone ko. Pinagdadasal ko lang na hindi si Tads to. Pag bukas ko salamat naman at hindi. Si Paul lang pala.

Sender: Paul Castro

Wag kang padadala sa galit mo. Intindihin mo si Tads. Intindihin mo yung nararamdaman niya ngayon. Kasi gaya mo, hindi din niya kaya na mawala si Nathan sakanya. Alam mo na yung pakiramdam diba? Kaya tulungan mo nalang siya. SILA.

Tinitigan ko lang ulit yung message niya sakin. Wala akong masabi, kasi tama si Paul. Pinagdaanan ko na yung kasuklam suklam na pangyayari na maiwanan ng taong mahal na mahal nila. Gugustuhin ko bang pagdaanan yung ng kaibigan ko? Dahil lang ba sa takot at sakit kaya niya nagawa at nasabi yung mga bagay na yun kanina? 

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon