ISANG BUWAN NA!
Isang buwan nang nakakalipas simula nung iniwasan ako ni Paul. Oo, ako lang, ako lang yung iniiwasan niya ng sobra. At yung nakakabaliw?
Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ideya kung pano naging ganito lahat.
Alam niyo yung pakiramdam? Yung tipo na makikita mo yung crush mo araw-araw na my kasamang ibang babae? Ganun yung nararamdaman ko eeh.
Ang pinagkaiba nga lang, triple triple yung sakit na nararamdaman ko kasi hindi ko lang basta crush si Paul..mahal ko siya.
"Alam mo Alex..walang maitutulong sayo yung pagluha mo lagi" kasama ko ngayon si Marianne. Nasa field kami kung saan lagi kaming magkasama ni Paul DATI.
"Nakakabigla kasi Anne eh. Sa isang araw lang, ang daming nagbago" dinudukot dukot ko nalang yung mga damo sa tabi ko. Wala akong ibang mapagbuntungan ng inis at lungkot ko eh.
Nasasaktan ako araw-araw na makita silang magkasama palagi. Yung magtatawanan sila tuwing lunch, uwian at during free time namin. At ang masaklap, nasa harap nila ako.
Ganun ba sila ka meant to be na kahit magkaiba sila ng course eh pareho halos lahat ang oras ng class schedule nila?
Narinig kong bumuntong hininga si Marianne "malay mo...my rason siya" napatawa ako bigla. Meron naman talaga diba? Yung reason kung bakit bigla niya kong iniwasan eh kasi hindi niya ko gusto. Yun lang naman yun eeh.
Napasandal nalang ako sa puno. Sa puno namin.
Namimiss ko ng makatabi siya.
Namimiss ko na yung seryoso niyang mukha.
Gusto ko na ulit marinig yung tawa at yung boses niya.
Gusto ko na ulit mahawakan yung kamay niya at mayakap ulit siya.
Pero higit sa lahat...gusto ko ng bumalik sakin si Paul..kahit manatili nalang kaming magkaibigan, okay lang basta nasa tabi ko siya.
Naramdaman ko yung pagkabasa ng pisngi ko. Heto nanaman ako, lumuluha nanaman.
I MISS YOU PAUL!
Minsan gusto kong hilingin na sana nababasa niya isip ko. Para kahit hindi ko na ipagsigawan, malalaman niya padin yung nararamdaman ko.
Nakakainis no? Kung kailan mahal na mahal ko na siya, saka naman siya nawala. Saka naman nangyari to, lahat ng to.
Ang swerte ni Hannah. Sana..ako nalang siya.
Sana pala inamin ko nalang din sakanya, baka sakaling hindi ganito diba? Kung sana my lakas nalang ako ng loob, hindi sana nahuli ang lahat.
Pero alam niyo yung pinaka-nakakabaliw? Yun yung hanggang ngayon hindi ko pa talaga alam kung bakit kami humantong sa ganito. Kung bakit siya sinuntok si Nathan at kung bakit wala na siya sakin ngayon.
Gago no?
Ang sakit isipin. Nakakabaliw. Yung iniingatan ko na hindi mawala sakin eh nawala na pala at hawak hawak na ng iba.
Nung iniwasan niya ko, parang nahiya na ko at umiwas nalang din ako kahit hindi ko naman talaga kaya.
Pero pinagsisisihan ko na ginawa ko to. Sana pala tiniis ko nalang hanggang sa magbago yung isip niya tungkol sa pag iwas saakin,
"Alex" minulat ko yung mata ko na hanggang ngayon eh lumuluha padin. Pinunas naman ulit ni Marianne yung mga luha ko na sunod-sunod ng pumapatak. Ngumiti siya sakin kaso ako, kahit anong pilit ko, hindi ako makangiti.
Ngayon ko lang nalaman na mahirap din palang ngumiti.
"Malapit na birthday mo" sabi niya ulit sakin at mas lalong lumawak yung ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...