Pakatanong ko nun sakanya parang bigla akong nagsisi! Shoot! Ano ba tong pinagsasasabi ko sakanya? Baka isipin niya na gusto ko na talaga siya. Tapos iwasan na niya ko tapos wala na. Mag-isa nanaman ako nito.
Tapos bigla siyang napatingin sakin na nakakunot yung noo. Nagtataka na gulat na ewan ko. Basta yung mukha niya puno ng tanong.
Kailangan kong mag-isip ng excuse, kahit ano! Syet. Ayoko...ayokong masira kami ni Paul. Kung hanggang magkaibigan na lang kami, okay lang. Basta magkasama kami, okay na yun sakin.
"Ka-kasi..ano..diba sabi mo sakin dati nabasted ka?" nauutal kong sabi sakanya! Syet! Sana di niya mahalata na naghahanap lang ako ng lusot. "Bakit parang di kaman lang nalungkot? Tss. Tapos ngayon my balak kana ulit ligawan" inirapan ko siya para di niya mahalata yung kaba ko at yung tibok nitong baliw kong puso. Kinakabahan ako. Parang hindi ko na kayang iexplain pakiramdam ko sa taong to.
Ngumisi lang siya tapos iniling-iling yung ulo niya "Manhid siya eh" at tumalikod na ulit at nagsimula na ulit maglakad.
"Nauuso ang salitang manhid ngayon ah" tapos tumawa ako. Pampaalis ng kaba. Tapos halos patakbo na kong lumakad para mapantayan ko siya. "Pero Paul, sino nga kasi yung bumasted sayo?" tanong ko pero di ko siya tinitingnan. Nakatingin lang ako sa daan.
"Kung sasabihin ko ba sasagutin niya ba ko?" tapos narinig ko siyang nag hiss. Gusto ko lang naman malaman eh. Ano naman masama diba?
"Para mo lang sasabihin eh! Ang arte mo!" tapos tinulak ko siya. At syempre dahil payat siya na out of balance siya ng unti pero di siya natumba. Natawa tuloy ako ng sobra.
Napatawa naman tuloy siya tapos umiiling-iling pa habang inaayos niya yung sarili niya. Ako naman ang sakit na ng tyan ko kakatawa. "Aba nagiging bayolente tayo ngayon ah" natatawa niyang sabi sakin. "Nasabihan na ko ng manhid kanina, tapos ng maarte at ngayon naman nasaktan pa ko. Ayos!!" my pagkasarcastic sa tono ng boses niya. Pero di ko na masyadong pinansin kasi mamamatay na ko kakatawa.
"Paul! HAHAHA! Lampa mo!" iniiling-iling ko pa yung ulo ko. Kasi naman, kalalaking tao, kayang kaya kong itulak!
"Di ako nun ready Alex! Baliw!" tumigil na siya sa pagtawa niya pero ako natatawa tawa padin. Ay palusot eh!
"Haha. Palusot!" tapos inirapan niya lang ulit ako. Ang arte talaga. Parang ang layo tuloy ng nilakad namin kasi naman pahinto hinto kami dahil nahihirapan akong maglakad ng maayos pag sobra akong natatawa.
Nawala tuloy yung kaba ko kanina at napalitan ng saya. Kasi sobra ko siyang namiss at heto kami ngayon, panay lang ulit ang biruan. Tama! Itatago ko nalang muna to, para walang masira saamin.
Nakarating kami kung nasaan sina AA at laking gulat ko kasi andoon si Hannah at Paula. Shoot! Bakit nakalimutan ko yung tungkol sakanila? Gusto kaya talaga siya ni Paul? Sana hindi! Sana ugali lang nitong Hannah ang gusto niya at hanggang dun lang yun.
"Oh Paul, ang pinakamamahal mo andito pala" ewan ko pero parang ang taray at galit yung pakakasabi ko. Kasi naman, nakakainis lang diba?
"Bakit parang galit ka?" nakakunot noo niyang tanong sakin. Pero inirapan ko lang siya at tumabi na sa kinauupuan ni AA. Binati ko naman muna sina Paula at yung iba. Andito si Tads, Nathan, AA, Paula, Hannah at Paul. Nanunuod kami ng soccer slash basketball nadin kasi nasa harap lang namin yung soccer field at yung basketball.
"Paul ha! Partner kayo ni Hannah sa sayaw sa debut ko" narinig kong sabi ni Paula. Nasa likod kasi namin sila. Buti naman, kasi ayoko silang makita. Ayokong makita si Paul na tumatawa at si Hannah yung reason. Ayokong maging selfish kaya mas okay na to na wala nalang akong nakikita.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...