Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tads. Pero mali siya. Hindi ko hahayaan na masira nalang sila. Ayokong ako yung dahilan ng pagsisimula nila tapos ako din pala yung magiging dahilan ng pagtatapos nila. Hindi. Hindi pwede.
"Wag Tads. Alam ko yung pakiramdam na magparaya. Kaya wag mong subukan. Ayusin niyo to" walang emotion kong sabi sakanya. Pagod nadin kasi ako at wala na kong lakas makipag sagutan sakanila. "Ha Nathan? Ayusin niyo to" tiningnan ko si siya at napatingin din siya sakin saglit saka tumingala ulit.
"Pero Alex, kung wala na talaga hindi nadin naman namin pwedeng pilitin diba?" pinunas niya yung luha at ngumiti siya sakin. Kung baliw ako papaniwalaan ko na masaya siya sa sinasabi niya, kaso matino ang isip ko at alam kong punong puno ng sakit yung mga salitang yun.
Ngumiti din ako at nagpaalam na. Nahihirapan nadin kasi akong huminga "Una na ko. Usap muna kayo" hindi ko na hinintay na magsalita sila. Lumabas nalang ako ng room namin at lumakad ng mabilis papuntang hagdan.
Pagdating ko dun napasandal muna ko sa pader bago ako bumaba. Gulong-gulo nanaman yung isip ko kaya pumikit muna ko at hinayaang tumulo yung mga luha ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ako kasi mahal na ulit ako ni Nathan? O sabihin na nating hindi naman pala nawala yun. Pero hindi ko magawang maging masaya. Mali kasi, maling mali.
Habang nakapikit ako bigla naman my nagsalita sa tabi ko. Pagmulat ko, gumaan yung pakiramdam ko kasi siya yung gustong-gusto kong makita at makausap ngayon.
"Paul" napayakap ako sakanya bigla. Di ko alam kung bakit ko yun ginawa pero nagawa ko na eh. Umiyak lang ako habang yakap yakap ko siya. Hindi naman siya nagreklamo o ano, hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa maubos nalang bigla yung luha sa mga mata ko.
Nung inalis ko na yung pagkakayakap ko sakaniya at pinunasan ko na yung mga luha ko saka lang siya nagsalita "Kumusta?" simpleng tanong niya sakin, pero punong puno na ng ibig sabihin. Bumababa muna kami at naupo sa mga upuan na nakalagay sa gilid ng gate namin. Madilim na pala, hindi ko man lang napansin. Kaya pala wala ng estudyanteng nadaan.
Nung makaupo na kami dun ako nagsimulang magkwento. Hindi man niya sinabing ikwento ko lahat, pero parang kailangan kong sabihin sakanya lahat. Kasi una sa lahat, siya yung dahilan bakit ko nagagawa lahat ng to. Nakinig lang siya at hindi nagreact sa kung ano man ang mga sinasabi ko. Sinabi ko din yung sinabi sakin ni Tads na mahal padin ako ni Nathan.
"Anong plano mo ngayon?" walang reaction niyang tanong sakin. Yumuko naman ako at sinwing ko lang yung mga paa ko.
"Sa totoo lang hindi ko alam. Mahal niya din kasi si Tads eh" tiningnan ko muna siya "mahal ko pa siya Paul. Pero ayoko na" napatingin naman siya sakin dahil sa sinabi ko. Akala niya siguro magiging masaya ako kasi sa wakas my pag-asa ng bumalik sakin yung lalakeng naging dahilan bakit ako umuwi dito. Pero mali siya kung ganun.
"Tutulungan mo lang silang magkaayos?" nagawa niyang itanong sakin nung nawala na yung gulat sa mukha niya. Tumango naman ako. "Pero pano kung hindi naman nila kailangan ng tulong?" napayuko ako kasi tama siya. Pano kung hindi naman nga? Pano kung isipin nilang isa lang to sa paraan ko para mapalapit kay Nathan? Pero hindi ganun yun. Gusto ko lang silang magkaayos.
Hindi ko sinagot yung tanong niya. Nung napansin niyang wala akong balak sumagot nagpatuloy siya "Hayaan mo muna sila. Sila muna dapat gumawa ng paraan para maayos nila yung relasyon nila" at tumayo na siya sa kinauupuan niya. Inangat ko naman yung ulo ko at huminga ng malalim bago ako tumayo. "Uwi na tayo" yaya niya sakin at sumunod naman ako. Tahimik lang kaming naglakad papunta sa sakayan ko ng tricycle. Masyado padin kasi akong naguguluhan, pero isa lang ang alam ko. Parang my nabunot sa tinik sa lahat ng parte ng katawan ko at parang gumaan na yung pakiramdam ko.

BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...