Umalis muna ko sa gitna ng sayawan. Nakakasar kasi. Sumunod naman siya sakin. Tss. Talagang curious lang siya sa kung ano pinag-usapan o nangyari sakin ni Nathan kanina.
Nung nakalayo na ako at siya rin pala kasi sumunod siya, kumuha na muna ko ng inumin bago ko siya sagutin. Di to alak ko. Juice lang naman.
"Ano na?" naiinip niyang tanong. Kasi! Inirapan ko nalang siya at yumuko nalang habang tinitingnan ko yung juice.
"Sumuko na ang gago" at ngumisi nalang ako. Ewan ko pero natatawa kasi ako. Tiningnan ko siya pero hindi naman siya nakatingin sakin.
Nakangiti siya pero sa ibang lugar naman nakatingin. Parang kinikilig pa nga na ewan ko? Kinakagat niya kasi lower lips niya para pigilan yung ngiti niya.
Syet! Yung nararamdaman ko nanaman.
"Bakit na nangiti?' di ko na napigilan kaya natanong ko na. Napalingon naman siya agad sa akin na lalong dumagdag sa baliw na nararmdaman ko ngayon.
"Ikaw? Bakit kadin nakangiti?" nagulat naman ako sa tanong niya. Nakangiti na pala ko hindi ko man lang napansin. Iba talaga epekto sakin nitong lalakeng to eh.
"Tss. Ikaw nauna. Baliw!" at ininom ko nalang yung juice ko. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko alam. Feeling ko anytime matutunaw ako sa ngiti at tingin niya.
"Pero ano nangyari?" yun bumalik nanaman siya sa pagiging seryoso niya. Napatigil naman ako sa pag-inom. Nalungkot nanaman ako sa nangyari kanina. Sana hindi ko ganun nasasaktan si Nathan. Ayoko ng ganun.
"Titigil na daw siya. Baliw nga! Pinapalaya na KUNO niya ako" ewan ko pero this time di ko na kayang ngumiti. Pano ka nga ngingiti kung my nasasaktan kan diba?
"Ah. Yun pala. Bakit daw?" tiningnan ko lang siya. Seryoso? Tinatanong niya ko? Ano sasabihin ko nito? 'PINALAYA AKO NG KAIBIGAN MO KASI IKAW NA SAKSAKAN NG MANHID ANG MAHAL KO' yan ba sasabihin ko? Hello NO!
Hindi pa naman ako nababaliw para gawin yan.
"Basta. Malalaman mo din ata. Soon" at umalis na ko sa harap niya baka kasi masabi ko pa. Minsan kasi pag nag uumapaw na yung nararamdaman mo, ang hirap ng pigilan eh.
Natapos yung party/debut ni Paula mga 12 na ata. Pero kahit ganun, wala ata sila balak matulog kasi yung iba nagyayaya ng swimming daw or yung iba naman bonfire daw o spin the bottle daw tapos truth or dare. Kung ano-ano nalang ang naiisip. Tss.
Ako go lang naman kasi hindi naman ako inaantok pa. Sa mga suggestions, crossed out na yung swimming kasi pinagbawalan kami nung mga magulang ni Paula kasi delikado daw. Oo nga naman.
So ang gagawin naman daw, spin the bottle at walang kamatayang truth or dare.
Sa loob nalang kami nung lobby ng hotel naglaro. Actually hindi naman siya hotel, more like a townhouse, pero malaki.
Nuapo ako sa tabi nina Marianne. Nung kumpleto na kami, natawa kaming lahat. Walangya. Si Paul at Nathan lang kasi yung lalake na andito. Yung mga kamag-anak kasi ni Paula na mga lalake na same age namin eh hindi naman sasali kasi hindi naman namin yun close diba?
So yun nag start na kami. Si Birthday Girl ang nag iikot na bottle kasi siya yung my birthday daw. Sa unang ikot, kay AA na tutok yung bote.
Ewan ko kung anong nakakatawa pero tawa siya ng tawa nung natapat sakanya.
"Ang daya. Hahaha! Buena Mano!!" tapos tawa nanaman siya. Pati tuloy kami nahahawa na sa tawa niya. Problema netong babaeng to.
"Hoy! Bakit ka natawa? Ang adik mo" matawa-tawa din tanong ni Tads sakanya. Totoo, ano nakakatawa? Tss.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...