Nagulat ako ng sobra sa sinabi ni Paula. Parang tanga lang! Bakit siya yung kailangan mag decide kung sino at kailan ni Paul liligawan ang isang tao?
Leche!
At ano yung pinakamasakit?
Yun yung hindi ako yung babaeng yun. Hindi ako yung liligawan niya at hindi din ako yung kikiligin sa pag-amin niya.
Bakit kasi...hindi nalang ako??
Tiningnan ko si Paul at timing na napatingin din siya sakin, parang nagtatanong yung tingin niya. Kaya ang ginawa ko? Tinanguan ko lang siya at ngumiti sabay bulong ng "goodluck"
Feeling ko iiyak na ko kaya umalis na ko sa tabi niya at pumasok na ko sa loob kasama sina Marianne. Sana pala, di nalang ako pumunta. At least, di ako masyado masasaktan.
"Okay kalang Alex?" tanong sakin ni Marianne "sama-sama pala tayo sa kwarto" tapos pinakita niya sakin yung susi.
Ako naman dahil wala sa sarili, bigla ko nalang nasabi yung nangyari kanina "tatanungin na niya mamaya si Hannah kung pwede siya manligaw" naramdaman ko nalang yung biglang pag-init ng mata ko. Kaya bago pa makapagsalita si Marianne, tumayo na ko "Tara na. Punta na tayo sa kwarto natin" at lumakad na ko palayo.
Hanggang kaya ko, itatago ko muna yung sakit. Sana makaya ko. Sana!
*******************
Nagsimula na yung party at nasa iisang table lang kaming magkakasama kanina sa van. Ewan ko, pero di ko pinapansin si Paul. Nagtaka nga si AA at Tads kaya nasabi ko din sakanila. Pero di ako nagbigay ng details, baka maiyak ako eh.
Tsaka ayoko din muna yun isipin eh. Gusto ko muna, kahit papano, maging masaya. Kahit ngayon lang ulit. Pwede naman diba?
Ayoko na. Tama na munang drama.
Tumingin ako sa stage at sakto, tinatawag na yung mga magsasayaw. At tumayo na si Paul at Hannah. Diba nga partner sila? At after nitong sayaw na to, tatanungin na niya si Hannah kung pwede siyang manligaw.
Tangna!!
Bakit di nalang ako oh?
Mahal din naman kita ah.
Ay syet! Ang tanga ko na nga, ang korni pa.
Nung matapos na yung sayaw, feeling ko, hindi ko yun kayang makita. At totoo nga! Shit!
Nakita kong umakyat na ng stage si Paul. Mas malakas pa ata sa music yung kabog ng dibdib ko eh. Gusto kong umiyak pero parang di ko kaya, pero isa lang ang alam ko. Sobrang lungkot ko. Sobrang nasasaktan ako.
Ang sweet ng gagawin niya diba? Sa harap ng maraming taong to at sa harap ko, iaannounce na niya na simula sa gabing to, magmamahal na siya ng bago. At hindi ako yun. Hinding hindi ako yun.
Ayokong makita. Ayokong marinig!
Utang na loob!!
Nagpaalam muna ko sa mga kasama ko na lalabas muna ko, feeling ko alam naman na nila kung bakit. Pero bago ako makalabas, narinig kong nagsalita si Paul.
"Pwede bang sa labas ko nalang sayo sabihin, Miss Hannah?" napalingon ako sakanya pero nakita ko lang siyang nakatingin kay Hannah. Ang sakit sa mata ng nakikita ko.
Gustong-gusto kong lumuha dahil sa sobrang sakit, pero hindi ko kaya. Masyado akong malungkot para umiyak pa. Naiintindihan niyo naman diba? Naranasan niyo nadin to diba?
Hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Hannah, lumabas na ko ng tuluyan at naupo nalang sa isa sa mga cottage dito sa labas. Gabi na kaya naman madilim na dito sa kinauupuan ko, mga poste nalang nagbibigay ilaw sa buong paligid ng resort.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...