Who's Got the Pain?: Six

567 13 0
                                    

Nawawala nanaman ako sa sarili ko kaya pinilit kong makinig sa mga sinasabi ni AA tungkol sa mga nangyari sakanya nung mga nakaraan na acquaintance party at samahan ko daw siyang pumili ng dress niya at sapatos dahil hindi daw niya alam kung anong bagay sakanya kasi dati daw walang tumutulong sakanya, kasi si Marianne daw bihira lang nun magpakita, buti daw ngayon na andito na ko at kahit pano dumadalas na daw nilang makita to.

"Please Alex! Sama-sama tayo nina Marianne" pagmamakaawa niya sakin. Kahit na ang lungkot ng buhay ko napapangiti ako ng babaeng to. Minsan kasi ang kulit niya na parang bata padin siya. Dahil sa kakulitan niya hindi ako makatanggi pag humihingi siya ng pabor.

"Sige na, oo na" sabi ko na parang napipilitan lang ako pero nakangiti padin ako. Pag napapangiti ako ni AA kahit pano gumagaan ang loob ko kasi nararamdaman ko na my pag-asa pa, my pag-asa pa na matanggap ko at makapag move on ako sa lalakeng minamahal ko sa ngayon.

"Yes! Thank you Alex!" sabay hawak niya sa balikat ko at niyugyog ako. Mas lalo tuloy akong napangiti, kasi para siyang bata na excited pumunta sa kidie land. Bigla naman siyang tumalikod sakin kaya napakunot yung noo ko "aattend din kayong dalawa diba?" sabay tanong niya kina Tads. Pagkasabi niya nun nawala agad sa labi ko yung mga ngiti ko kanina at napalitan nanaman sobra-sobrang SAYA! (insert sarcasm here) TAKTE! Ngayon kailangan ko silang makita na magkasayaw at yakap-yakap yung isa't-isa? Kailangan ko pa bang makita yun? Kulang padin ba tong nararamdaman ko ngayon at kailangan pang dagdagan? 

Gusto kong sabihin bigla kay AA na hindi na lang ako pupunta kaso sigurado akong di siya papayag lalo na't ang dahilan ay ang pagsama nina Tads. Pero para naman akong baliw no? Sino ba naman ako para pigilan sila diba? At sino nga naman ako para maging dahilan ng hindi nila pagpunta diba? Asa naman akong titigil ang pag-ikot ng buhay nila ng dahil sa isang kagaya ko, habang ako pinapahirapan yung sarili ko ng dahil sakanila. 

"Tutugtog sila Mike diba?" narinig kong tanong ni AA kina Tads. Ako tahimik lang at nakikinig nalang sakanila. Ang tagal ng professor namin, gusto ko ng matapos lahat ng subjects ko ngayon para lumipas na ang araw na to. Baka sakaling pag gising ko bukas ayos na ko at tanggap ko na ang lahat. 

Habang tahimik ako at nag-iisip ng kahit ano basta hindi lang silang dalawa, humarap ulit sakin si AA "tanda mo pa sina Mike?" yung hintuturo niya nakaturo sa mukha ko habang tinatanong niya ko niyan. Kahit kailan talaga tong babaeng to. Hay! Nag-isip muna ko madali bago sumagot.

"Yung my banda sa school natin dati?" hindi ko kasi sigurado kaya patanong din yung sagot ko sakanya. Pero parang natatandaan ko nga siya.

"Tama! Bumuo ulit sila ng banda dito, Financial Management course nila" tumango tango lang ako kasi medyo di ko pa naaalala yung mukha niya, tsaka limang taon din yung nagdaan syempre madami ng pinagbago mga kaklase o kabatch ko nung high school.

"Ah. Lahat ng member nung banda nila ka-campus natin?" tanong ko ulit kahit hindi nanaman ako interesado. Pero kahit pano gusto ko din makita yung mga dati kong kaklase. Kung lahat ba sila masaya at ako lang ba ang malungkot ngayon.

"Isa lang yung napahiwalay, engineering ata yung isa" hindi siguradong sagot ni AA sakin. Wala naman ako actually pakialam talaga. Hay! Bahala na nga kung ano nanaman ang mangyayari o pwedeng mangyari sa acquaintance party na yan.

Panay lang ang salita ni AA at tumigil lang siya nung dumating yung professor namin. Kaya naman kahit pano nagkaron ulit ako ng oras para mag-isip ng tungkol sa kung anong pwede kong gawin para matanggap tong lahat. Pero walang lumalabas na sagot sa utak ko kahit anong pilit ko. Gusto ko na ulit tumawa at magawang magkwento ng bawat masayang pangyayari sa buhay ko, namimiss ko na yung dating Alexandra na kung tumawa parang wala ng bukas at kung magkwento with actions pa. Maibabalik ko pa kaya yun? Kung oo, PANO?

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon