Who's Got the Pain?: Fourteen

485 12 0
                                    

Ayy. Hindi. Hindi ko siya gusto. Nababaitan lang ako sakanya at siguro nagugulat lang ako sa mga nakikita kong personality niya. Possible naman yun diba? Tsaka kahit sabihin ko pang moved on na ko sa nangyari samin ni Nathan, natatakot nadin kasi akong mahulog ulit ng ganun sa isang tao.

Tsaka isa pa, isang araw pa lang ang nakakalipas para totoong maramdaman ko yung meaning ng MOVED ON na. Kasi what if akala ko lang pala to? What if gusto ko padin pala siyang bumalik sakin? Eh di nagkanda gulo-gulo na niyan ang buhay ko pag nangyari na dalawa ang mahal ko. Ayoko yan mangyari. Tsaka di pa ko ready na masaktan ulit at makasakit din.

Pero pag dumating sa ganung punto? Wala. Ayoko. Hindi dadating sa ganun no.

"Hoy" nabalik lang ako realidad nung naramdaman kong siniko ako ni Paul. Nasa Mcdo na pala kami. Di ko man lang napansin. Masyado akong nawala sa sarili ko dahil sa pag-iisip. Nakapagtataka na hindi man lamang ako nakabunggo o nabangga ng tao habang papunta kami dito. Nakakatawa tuloy. Ano ba! Kung ano-ano kasing iniisip ko. "Alex. Nangiti ka dyan. Sabi ko anong order mo? Ay naku!" tiningnan ko si Paul na parang nagtataka ako. Kanina pa ba niya ko kinakausap? At ang obvious na sagot ay, OO!

"Ha?! Kasi my naalala lang ako" sabay iwas ko agad ng tingin ko sakanya "Large fries po Ate, tapos chicken fillet po with rice at coke float po" sabi ko dun sa Ate na kumukuha ng order namin. 

"Wow. Di ka gutom ha" sarcastic na sabi sakin ni Paul. Paki ba niya? Ako ang kakain nito. Hindi naman siya eh.

Di ko siya tiningnan. Pero tinawag ko ulit si Ate kasi hinahanda na niya yung order namin eh "Ate" tawag ko at agad naman siyang lumapit "Actually gusto ko pa po ng chicken sandwhich" sabay ngiti ko sakanya. Yung mukha ni Ate parang gulat na gulat. Umiling-iling naman siya at ngumiti lang samin. 

"Yun lang po ba Maam?" tanong niya bago niya ata itotal yung babayaran namin, tumago naman ako kasi wala na kong ibang gustong kainin. "245 po lahat Maam, kasama na po yung kay Sir" inikot ko sa harap ko yung bag ko at hinanap yung wallet ko pero maya-maya bigla nalang nagsalita si Ate "Thank you" pero di ko siya tiningnan. 

Pinagpatuloy ko padin pagkuha ko sa wallet ko. Si ate nag tethank you na eh hindi pa nga ako nagbabayad eh. Pero hayaan na baka my kausap lang siya. Nung nakuha ko na, as in nailabas ko na yung wallet ko at kukuha na ko ng pera saka naman nagsalita si Paul.

"Oh, halika ka na. Nahanap mo na hinahahap mo? Kain na tayo. Bayad na to!" sabay pakita niya sakin nung order namin. Ay walang hiya. Pinahirapan niya lang akong hanapin yung wallet ko bago niya ko sinabihan? "Dalhin mo na yung isang tray. Dami mo kasing inorder." saby nguso niya dun sa tray na nasa harap namin.

Aba! Nag-iiba talaga ang ihip ng hangin. Nilibre niya ko? Nakain nitong lalakeng to? Umakyat na kami sa taas. Kumain at pinagusapan namin ang mga walang kwentang bagay. Pero bigla nalang napunta sa seryosong topic na hindi ko man lang napansin kung panong nangyari yun.

"Pano kung ligawan ka ulit ni Nathan?" tinigil niya pagkain niya at tiningnan ako. Siguro tinitest niya ko kung inlove pa ko sa taong yun at nagsisinungaling lang ako sa mga pinagsasasabo ko sakanya.

Nag-isip ako kunwari pero sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko, pero isa lang ang alam ko "Ayoko na kasi masaktan ulit. Alam ko. Alam ko. Parte na yan ng buhay pero kasi di naman yun ganun kadali" tinigil ko din muna pagkain ko dun sa fries ko. 

"Hindi ka papayag? Pero hahayaan mo siyang gawin ang gusto niya?" oo nga no? Tama ang tanong sakin ni Paul. Kahit nga ba hindi ako pumayag eh hahayaan ko padin siyang gawin yung mga bagay na gusto niyang gawin para mapatunayan ulit na deserving pa siya? 

"Ay ang advance natin mag-isip ngayon ah. Nakakalimutan mo ba? Mahal niya din si Tads. Kaya possibleng kay Tads padin siya" nginusuan ko lang siya kasi sa totoo niyan ayoko ng mga tanong niya. Sobrang hirap kasing sagutin. 

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon