Who's Got the Pain?: Twenty Three

385 8 0
                                    

Pa-vote/comment po. Thanks:) Enjoy reading.

______________________________________

Isang buwan na ang nakalipas nung niayakap ako ni Paul.

Isang buwan na kong lunod na lunod sa nararamdaman ko para sakanya.

Isang buwan ng malala pa sa malala yung pagmamahal na nararamdaman ko para sakanya.

Isang buwan nadin ang nakalipas nung binitawan niya yung mga salitang yun habang yakap niya ko na nagpatunay na hanggang magkaibigan lang talaga kami.

“Ayokong isang araw makikita nalang kitang umiiyak ng dahil nanaman sakanya. Alam mo, mahalaga ka sakin Alex. Kahit hindi man halata. Pasesnya na kung my nagbago nun. Basta! Yaan mo, ako na ulit to.” Tapos huminga siya ng malalim. “Tsaka Alex, sorry kung manhid ako. Manhid ako na di ko maramdaman na si Nathan nga lang yung makakapagpasaya sayo” tumigil siya at huminga ng malalim tapos unti-unti na niya kong binibitawan “magiging masaya nalang siguro ako para sayo” at binitawan na niya ko nun.

Parang ayokong alisin yung yakap niya nun.

Parang gusto ko nalang ibulong na mahal ko siya.

Parang gusto ko nalang mag-pause yung moment na yun kasi..kahit pansamantala… naramdaman kong mahal niya ko, kahit sa huli bilang kaibigan padin.

Pero siguro kailangan ko nalang tanggapin na hindi lahat pwede, na hindi porke  gusto mo, mapupunta na sayo.

Na porke mahal mo, dapat mahal kanadin. O porke gusto mo, dapat gusto  kanadin. Alam niyo yun? Minsan kailangan talagang maging unfair ng mundo para my matutunan tayo.

“Alex”

Dug. Dug. Dug. Dug.

Yung puso ko, heto nanaman.

Inhale.

Exhale.

Ngiti.

Lingon.

“Tol! Musta?” yung ngiti ko yung parang sa tanga lang. Yung my halong kaba at saya. Alam niyo yun? Naramdaman niyo naba yun?

“Naks. Kinareer mo na talaga ang pagtawag sakin ng Tol ah” tumabi siya sakin at sinabayan akong maglakad.

Oo nga pala, tol na tawag ko sakanya simula nun. At least kahit pano, my endearment  ako sakanya. Kahit di man unique, okay nadin yun. Okay naman yun sakanya eh.

Tol as in kuya, as in kapatid. Pero syempre  mas deep yung meaning nun para sakin.

“Okay lang pala ko. Nga pala, my sasabihin ako sayo” sabi niya pero di ako tinitingnan. Dire-diretso lang siya sa paglalakad.

“Oh..ano yun?” ewan ko pero feeling ko hindi maganda yung sasabihin niya sakin. Sa itsura niya kasi ngayon, parang hindi masaya yung ibabalita niya.

“Tara punta muna tayo tol sa field. Dun ko nalang sasabihin” anak ka ng! Woooo. Bibihira niya lang akong tawagin ng ‘tawagan’ kuno namin. Ako kasi nakaisip nito. Wala lang. At syempre dahil tinawag niya ko nun, kinikilig naman ako.

At least kahit pano parang my karapatan ako sakanya.

“Tara!” at yun naglakad lang kami ng tahimik. Wala naman na kaming pasok kaya okay lang. 5pm palang naman kaya keri lang.

Nang makarating na kami sa field. Syempre, dating gawi.

Sandal sa puno.

Tingala.

Usap.

“Musta pala kayo ni Nathan?” napalingon naman ako saglit sakanya. Kasi after one month, ngayon lang ulit niya binanggit yung tungkol samin ni Nathan.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon