Who's Got the Pain?: Twenty Two

405 7 2
                                    

Lumapit si Paul samin na wala man lang talagang reaction sa mukha niya. Para ngang gusto ko siyang sigawan na ‘HOY WALA KABA TALAGANG NARARAMDAMAN PARA SAKIN?’ kaso gaya nga ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi pa naman ako ganun kabaliw para sabihin yan.

Pag lapit niya, mas dumoble yung bilis ng tibok ng puso ko. Leche! Ngayon dahil na sa pinaghalong kaba at dahil nadin sa presensya niya. Shooot!

“Oh..kayo naba ulit?” curious niyang tanong saming dalawa ni Nathan. Tae talaga! Lamunin na ko ng lupa ngayon kesa magsimula na siya sa pag iwas sakin.

“Hindi pa” si Nathan yung sumagot. Napatingin tuloy ako sakanya. Anong HINDI PA? Tengene! Gusto kong alisin lahat ng buhok sa katawan ko dahil sa nararamdaman ko. Natatakot ako. Takot akong mawala sakin si Paul, hindi dahil kailangan ko siya kundi dahil mahal ko tong gagong manhid na to.

Grabe! Mas narerealize ko na ang lalim na pala talaga ng nararamdaman ko sa lalakeng to. Akala ko nun simpleng crush o gusto lang. Ngayon? Di na pala. Malala na pala.

“Ah. Ayos!” sabay ngiti niya at….at ginulo niya yung buhok ko. Shit! First time niya ata tong ginawa sakin. Nagwawala tuloy yung puso ko ngayon dahil sa saya. Sana lagi nalang ganito.

Yung takot ko napalitan ng kilig. Kasi naman!! Hinawakan niya kaya ako. Hindi tuloy maalis yung ngiti sa labi ko. Kasi masaya ako.

“Paul ano ba!” kunwari naiinis ako sa ginagawa niya pero ang totoo parang gusto ko ng lagyan ng glue yung kamay niya para lagi nalang nakadikit sa ulo ko. Haha. Adik na ko.

“Aheeem!!” napalingon naman tuloy kami kung sino yung biglang nasamid. Si Tads pala. Nawala tuloy yung ngiti ko. Kasi parang pinapaalala niya na my nasasaktan sa harap namin.

Si Nathan.

Oo nga no? kung ako yung nasa posisyon ni Nathan ngayon, na nakikita kong masaya yung mahal ko sa iba, masasaktan ako. Pinagdaanan ko na yun, diba? Kaya alam ko yung pakiramdam. Alam na alam!

“Alex kunin mo na to” sabay abot niya ulit sakin nung rosas habang nakangiti padin siya, syempre tinanggap ko na talaga.

Favorite ko talaga ang white rose. Ewan ko ba kung bakit. Kahit para sa iba, pampatay yun. Napaka common na kasi ng Red kaya naman parang normal nalang pag makatanggap ka nun.

“Sa-salamat” waaaaa tae! Bakit nauutal ako? Napatingin tuloy ako kay Paul, pero..wala. Tumango lang siya sakin na nakangiti pa.

Ang sarap ihampas sakanya nitong bouquet at sabihin na ‘MANHID!’

Habang lahat kami nakatayo dun bigla naman dumating yung professor namin. Langya! Terorista pa naman to. Nakakatakot siya. Matanda na kasi, pero mabait siya. Sobrang higpit nga lang.

“All of you! Inside, now!” sabay turo niya sa loob ng classroom.

“Yes, Ma’am” sabay sabay naming apat. Nataranta naman kami kaya napatakbo kami lahat sa loob.

Si Madam naman, panira. Pero okay nadin yun, atleast nawala yung inis ko kay Paul. I mean, hindi. Inis ko pala sa sarili ko kasi ako lang naman tong tatanga-tanga eh. At syempre naman umalis na siya kasi di naman namin siya kaklase eh. Tsaka sigurado akong my pasok din yun.

Panay lang ang lesson ng prof namin at kami naman panay lang din ang pakikinig naming lahat. Ang boring nga, kaya naman inaantok na ko. Hindi naman kami pwedeng magdaldalan kung ayaw naming mag solve ng pagkahaba-habang problem sakanya. Algebra chu chu ang subject namin sakanya, pero okay lang. Natake ko na to nung nasa Canada pa ko, pero ayoko padin naman magsolve no.

Maya-maya pa, ang pinakahihintay ko. Dinismiss nadin kami sa wakas.

My isa pang subject pero keri lang. My exam kami kaya pag matapos ka agad, pwede ka ng lumabas.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon