Paulit-ulit nagrereplay sa utak ko yung sinabi ni Paul. Ano yun? Narealize niya na hindi kami bagay ni Nathan? Bakit hindi kami bagay? Tsaka bakit ngayon niya lang narealize? Ibig kong sabihin, ANONG IBIG NIYANG SABIHIN? Ang gulo niya. Hindi ko siya maintindihan.
My ibig sabihin kaya yung sinabi niya? Na hindi kami bagay ni Nathan kasi mas bagay ako sakanya? Ay syet! Ano ba tong mga sinasabi ko. Ewan ko, naniniwala kasi ako kahit pano dun sa sasabi-sabi na my ibang kahulugan yung sinasabi ng isang tao minsan. Yung kunwari, uwi kana? Pero gusto talagang sabihin nung tao na 'sana mag-stay ka', yung mga ganyan ba. Gets niyo naman diba?
Pero kasi sa tipo ni Paul. Hindi ganun yun eh. Prangka siya, kaya kung ano yung sinabi niya, yun na mismo yun. Wala ng ibang kahulugan pa o ano. Kaya ayoko din yun bigyan ng kahulugan, pero dahil tao din ako, di ko maiwasan na bigyan yun ng kahit unting kahulugan man lang. At least kahit assuming lang ako, sumasaya ako kahit pano.
Pumasok ako sa school na yun padin iniisip, my laro ngayon ang basketball kaya naman manunuod kaming lahat. Pero si Marianne, hindi niya sigurado kasi my pasok siya. Hindi kasi sabay-sabay intramurals dito samin eh. Pero mamayang gabi, Mr. and Ms. Intrams na, kaya naman makakapunta siya at manunuod kaming lahat.
Dumeretso na ko sa court kasi andoon na daw sila. Pagdating ko, nakita ko naman agad sila. At mabuti nalang hindi pa nagsisimula yung laro kasi ayoko din naman my mamiss kahit pano, kasi course namin yung maglalaban tsaka Economics. Kailangan nila ng suporta diba?
"Uy, kanina pa kayo andito?" salubong ko sakanila pagdating na pagdating ko. Natawa ako ng unti sa itsura nila kasi panay lang ang paypay nila. Ang init kasi, hindi to covered court eh. Yung itsura tuloy nilang lahat parang haggard na haggard na dahil sa pawis.
"Anong nakakatawa?" pagtataray sakin ni AA. Hala, badtrip na siya dahil sa sobrang init. Natawa tuloy ako lalo, kasi nilakasan niya pa masyado yung pag paypay niya eh. Yan kasi, hindi muna sumilong.
"Kasi, itsura niyo. Mukha na kayong haggard" at tumawa na ko ng tumawa hanggang sa di ko na kayang pigilan.
"O.A ka Alex ha. Manahimik ka!" tiningnan ako ng masama ni AA habang sina Tads at Nathan nakangiti lang samin. At nung napansin ko, natigil ako sa pagtawa at lumingon lingon sa paligid.
Wala si Paul? Hindi ba siya pupunta? Absent kaya siya? O tinamad siya? Di nalang sana ko pumunta dito kung wala lang naman pala siya. Alam niyo naman yung pakiramdam na pag hindi mo nakikita yung taong gusto mong makita at yung kumukumpleto sa araw niyo, eh parang nawawalan nalang kayo bigla ng gana? Ganun yung pakiramdam ko ngayon. Parang gusto ko nalang tuloy umuwi.
Yumuko at sumimangot nalang ako. Hindi ako sanay na hindi siya makita at makasama kahit sa isang araw man lang. Pag sabado't linggo nga parang gusto ko ng hilahin yung araw para bumilis na yung paglipas nun ang maging Lunes na agad. Ganun ko siya gustong makasama. Tapos pag magkasama naman kami, gusto kong lagyan ng harang lahat ng orasan para tumigil yung pagtakbo nun at makasama ko siya ng matagal.
Nag announce na yung announcer na magsisimula na daw yung laro. Wala talaga siya. Sana man lang nagsabi siya, para di na din talaga ko pumunta.
"Sakto . Magsisimula palang" my nagsalita sa tabi ko na hingal na hingal na tao. Syet! Yung puso ko parang nag accelerate dahil sa sobrang bilis. Seryoso! Parang kinakabahan ako, na masaya, na...sobrang masaya kasi andito siya.
Nilingon ko yung ulo ko sa my likod ko. Nasa right side ko kasi siya pero medyo likod ko ng unti. Yung bilis ng tibok ng puso ko sobra na, na akala ko matatanggal na siya sa dibdib ko. Pag lingon ko, napatigil ata ako sa paghinga at halos mailuwa ko na yung mata ko.
Paglingon ko kasi halos isang dangkal lang yung layo ng mukha niya sakin. Ang lapit nang mukha niya sakin kasi nakahawak siya sa tuhod niya kaya medyo naka lean siya sakin. Shoot! Hingal na hingal padin siya at mukhang bumabawi palang siya ng hangin sa katawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/743943-288-k3140.jpg)
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...