Who's Got the Pain?: Thirty Five

372 11 2
                                    

Isang araw na lang at birthday ko na. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung pupunta siya. Okay lang na kasama niya si Hannah basta ang mahalaga e pumunta siya. 

Kahit ayoko, nag effort kaming lahat sa bahay na maghanda. 

"Alex, sa bahay niyo bukas diba? Anong oras nga ulit? nasa loob kami ng room namin at pinapalipas ang oras. Wala kasi kaming professor at kausap ko lang si Tads ngayon kasi busy si AA makipag-usap dun sa mga kaklase namin.

"5 punta na kayo para 6 magsimula na tayo. Tayo-tayo lang naman kasi eh" nag-uusap lang kami in a casual way. 

"Okay. Sina Tita ba pupunta tsaka sina Lola mo?" tintukoy niya sina Aunty Donna kasi kilala niya sila, pati nadin sina lola. Pero hindi naman sila pupunta eh. Mga kaibigan ko lang talaga kasi alam nina Aunty na hindi talaga ko nagcecelebrate ng birthday ko. 

"Hindi eh. Siguro sisimba nalang kami sa Sunday" sumandal ako sa upuan ko para kalikutin ang kuko ko. Pero napasulyap ako sa kinauupuan ni Paul.

Nakasandal lang din siya at seryosong nagbabasa ng novel na binabasa niya. Isa siguro sa mga klase niya at required silang basahin yun.

Hindi ko mapigilang hindi isipin kung gano siya ka-perfect sa paningin ko. Ang seryoso lang ng mukha niya habang nagbabasa. 

Ang sarap niyang titigan at kahit maghapon, hindi siguro ako magsasawa sa kakatingin sakanya. 

Napangiti ako bigla. Kahit masyado na kong nasasaktan ng taong to, hindi ko parin maikakaila kung gano ko siya ka gusto. Kung gano siya kaimportante sakin at kung gano ko nadin siya kamahal.

"Tama na Alex. Wag mo siyang masyadong tingnan" suway sakin ni Tads nung napansin niyang hindi na ko nakikinig sakanya at nakatitig nalang ako kay Paul.

Ngumiti ulit ako at humarap sakanya at bumalik sa pakikipag-usap ng kung ano-ano sakanya.

"San tayo magkikita-kita bukas pala?" napatingin kaming dalawa kay Nathan kasi bigla nalang siyang sumali sa usapan.

"Sa bahay na mismo. Alam niyo naman na yun eh" tumango-tango naman silang dalawa as a response sa sinabi ko.

"Ikaw Paul? Sasabay kaba samin?" napatingin ako sakanya habang binababa niya yung libro niya at tumingin siya samin.

At..BOOM!

We made eye contact. 

Siguro 10 seconds din yun bago niya ulit inalis tingin niya saakin. Shoooot!

I badly miss him!

"Oo. Sasabay kami ni Hannah" pakasabi niya nun tumango lang ako at yumuko nalang. Alam ko naman na kasama niya yung oh-so-perfect-ka-MU niya pero hindi ko padin maiwasan na hindi maapektuhan.

Sinong gago ang hindi masasaktan habang nakikita nila yung taong mahal nila na my kasamang iba at masaya silang magkasama?

"Paul. Yung totoo..ano naba talaga kayo ni Hannah?" siguro napansin ni Tads yung pagkalungkot ko kaya tinanong niya yun sakanya para siguro malaman ko nadin kung ano sila at malaman nadin nila. 

"Magkaibigan" napangisi ako sa sagot niya. Friends. Bestfriends. Diba ako dapat yun? Ako dapat yung kasama niya ngayon at tinuturing niyang kapatid at bestfriend niya.

Bakit biglang nagbago?

"Pero diba gusto ka niya?" dala narin siguro ng curiosity kaya ang sunod-sunod magtanong si Tads sakanya.

"Oo" hanggang ngayon pala, aminado padin siya na gusto padin siya ni Hannah. Sabagay, kahit sinong babae eh impossibleng hindi mahulog sakanya.

Nakayuko lang ako habang nakikinig sakanila. Ayoko kasing makita yung reaction ng mukha niya. Kahit gustong-gusto kong makita yung ngiti niya, wag nalang muna kasi nasasaktan akong isipin na hindi ako yung rason nun.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon