Who's Got the Pain?: Thirty Two

345 8 2
                                    

After ilang minuto, pumasok nadin kami ni Paul sa kubo. Malamig na kasi eeh. Tsaka baka mag-isip nanaman ng kung ano-ano 'tong mga kaibigan namin. 

At hindi nga ako nagkamali. Pagpasok namin, tuksuhan nanaman.

"Bakit di pa kasi kayo mag-aminan?" ang lakas ng boses ni AA. Natatapatan ng boses niya yung fireworks sa labas.

"Ano ba gusto niyong aminin namin?" napatingin kami lahat kay Paul. Ang seryoso nung mukha niya na parang inis na galit na ewan ko? 

Yung tatlo naman na babae, parang gigil na gigil na ewan. "Kung gusto niyo ang isa't-isa" nag peace sign sakin si Marianne, siya kasi yung nagsalita. Tss. Gusto ba talaga kong masaktan ng mga kaibigan ko? Alam naman kasi nila na masasaktan ako pag maconfirmed na hindi talaga ko gusto or mahal ni Paul.

Pero kinakabahan padin ako. Anong kayang aaminin niya? Kung meron nga, ano yun? Dalawa lang kasi yan eeh.

Mahal niya din ako.

o

Hindi niya ko mahal.

"E-ewan ko kay Alex" nanlaki bigla yung mata ko. Shoooot! My aaminin ba talaga siya? Tsaka bakit nauutal si Paul? Na parang kinakabahan siya na ewan. Lalo akong kinabahan, at heto nanaman si bestfriend kong puso, nababaliw nanaman. "Ako kasi o-"

PACKING TAPE!!!! 

Napatingin kaming lahat kay Nathan nung bigla siyang nagsalita. Ano yun? Sinadya niya?!

"Tara tol. Inom nalang tayo" from Nathan napatingin ulit ako kay Paul. Sakto lang na makita ko yung kamay niya na naka fist na pero agad din niyang nilagay yun sa bulsa niya.

Hindi ko maalis yung nararamdaman ko. Yung way na tiningnan niya si Nathan at yung way na ngumiti kanina si Nathan, parang my mali.

Ay mali, hindi PARANG, my mali talaga.

Kaming apat na babae halos di na makapagsalita sa sobrang gulat. Pare-pareho ata kami ng nararamdaman eeh. Lahat kami nakatingin lang kay Paul habang palapit siya kay Nathan at nakapamulsa parin. Base sa pagkakakilala ko kay Paul, kahit sobrang mysteryoso niyang tingnan, alam kong naiinis siya. 

Pero..ano kaya yung sasabihin niya kanina? Gusto kong isipin na sasabihin niyang 'oo gusto kita' pero parang masyadong impossible. 

Pero, bakit nga ba masyadong impossible?

Bakit ba hindi pwedeng mabuo yung KAMI?

O ako lang nag-iisip na hindi pwede?

Pano kung dahil sa lagi na kaming magkasama, nagustuhan nadin niya ko? 

Ay hindi..hindi! Alam ko kung bakit di niya ko magugustuhan. Kasi hindi ako yung ideal girl niya at walang rason para mahalin niya din ako. 

Sabagay, hindi naman lahat ng nagmamahal eh kailangan din mahalin pabalik ng mahal nila diba? Pero sana lalake nalang ako, para kahit papano ako nalang magsasabi ng nararamdaman ko sa taong mahal ko. 

"Alex" tinapik ako ng isa sakanila, nawala nanaman kasi ata ako sa wisho ko. "pakiramdam ko, gusto kadin ni Paul" napangisi nalang ako sa sinabi ni Tads sakin. 

SANA NGA! Sana nga gusto niya ako. Kahit GUSTO lang, masaya na ko. Masayang masaya na ko. Kaso hindi eeh.

Natapos yung gabi namin na gulong gulo yung utak ko. Gusto kong masagot yung mga tanong ko kaso ang problema, hindi ko alam kung pano itatanong yung...

Ano sana aaminin niya?

Bakit ginawa yun ni Nathan?

Kung sadya ba yun o hindi?

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon