Nagulat ako. Syet! Oo sinabi kong sisimulan ko ng humakbang palayo, pero di naman yung ganito. Di ko alam kung uupo ba kami sa kanila o iiwas. Pero kung iiwas ako, anong iisipin nila? Na hindi ko padin tanggap, na hindi padin ako nakakawala sa nakaraan namin ni Nathan? Pero totoo naman lahat ng iisipin nila eh. Tsaka kahit anong gawin ko, alam kong alam nila na ganun nga ang sitwasyon ko ngayon.
Tiningnan ako ni Paul, na parang ano-pang-hinihintay mo look. Kaya naman dun lang ako natauhan ulit at lumakad na palapit sakanila, buti nalang hindi ako ang my hawak ng order namin, kasi kung oo kanina ko pa yun nahulog dahil sa pagkagulat ko. Humahakbang ako na parang robot at naka yuko lang, hindi ko alam kung ngingiti ako o mananatili nalang na ganito, nakayuko.
"Alalahanin mo nalang yung mga sinabi mo kanina" paalala sakin ni Paul bago kami makalapit sa kinauupuan nila. Napabuntong hininga ako at tinaas ko na yung ulo ko. TAMA! Kung hindi pa ngayon, kailan ko pa sisimulan mag move on diba?
Umupo ako sa tabi ni AA, katabi ko naman si Paul at nasa harap namin sina Tads. Nung una ang awkward ng moment, pero maya-maya din naman nagsimula na kaming mag-usap. Kami, meaning kami nina AA at Paul. Pero sila nakikipag-usap dun sa dalawa, ako lang yata ang hindi.
"Alex, bakit di ka pumasok sa dalawang subject natin?" tanong sakin ni AA. Dalawang klase kasi ang di ko pinasukan kanina, pero okay lang tig one and a half hour lang naman yun. Hahabol nalang ako sa discussion.
"Nalate kasi ako ng gising. Papasok sana ko sa pangalawang subject natin kaso late na pala talaga ko masyado" pagsisinungaling ko sakanya. Kasi alangan naman sabihin ko na 'Kasi narinig kong EX nalang pala talaga turing sakin ni Nathan, kaya ayun umiyak ako ng umiyak sa ilalim ng puno at nagsisigaw na parang baliw' diba? Ayokong bigyan siya ng satisfaction na yung babaeng minahal niya noon ay halos mabaliw na dahil my mahal na siyang iba ngayon.
"Eh" sabay turo niya samin dalawa ni Paul "Bakit kayo magkasama?" nakakunot noo ni AA na tanong samin. Na para bang my ginawa kaming masama. Pero ayoko talagang sabihin, kaya naman kailangan ulit magsinungaling.
"Nakasalubong ko siya kanina nung nalaman kong late na pala talaga ko at nagtuturo na professor natin, kaya naman hinila ko siya na sumama sakin" sagot ko at tiningnan si Paul, alam ko naman na naiintindihan niya kung bakit kailangan kong magsinungaling eh.
Tumango-tango naman si AA na mukhang naniniwala talaga siya. Sumubo muna kaming lahat kasi napapahaba na ang usapan namin kesa sa pagkain. Pero maya-maya lang, nagtanong ulit siya.
"So close na pala kayong dalawa niyan?" matawa-tawang tanong niya samin. Nakita ko naman na napangiti si Tads, pakiramdam ko gusto din niyang makisali sa usapan, kasi close ko talaga siya dati, pero hindi ko pa kasi alam pano ulit siya papakitunguhan.
Ngumiti din naman ako sakanya ng simpleng ngiti lang bago sumagot "Close na agad? Di ba pwedeng nagkasalubong lang muna?" mas lalo tuloy napangiti yung dalawa. Si Paul naman tsaka si Nathan tahimik lang na kumakain, di ko nga napansin kung nag-usap o nagpansinan ba sila kanina eh.
"Alex ha! Wag mong sabihin na...." tawa na tuloy ng tawa si AA, alam ko naman kung bakit siya natatawa eh. Ikaw ba naman kasi, sinong magaakala na yung taong hindi mo man lang nakakausap nung mga nakaraang taon eh kasama mo na ngayon maglunch at nakita kapang umiiyak dahil sa nangyari sainyo ng ex mo.
Hinampas ko si AA sa braso at tinarayan lang siya. Seryoso yung mukha ko pero hindi ako galit. Nakakahiya lang kasi, hindi kami close ni Paul para sa mga ganitong biro, buti sana kung oo kasi walang problema kahit ano pang itukso samin, kaso hindi eh. Dalawang beses pa lang nga kaming nagkakasama eh.
"Tumahimik ka AA ah, nakakahiya ka" medyo namumuo na yung tawa sa labi ko pero pinipigilan ko padin. Siya kasi tawa padin ng tawa habang hinihimas himas yung braso niya.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...