Who's Got the Pain?: Thirty One

356 9 3
                                    

December 24, 2011. 

Naghahanda na kami para sa gagawin namin mamaya. Sina Ate ko umuwi sa mga bahay-bahay nila para dun din naman daw sila magcelebrate. 

Kami ngayon ang nagluluto ni Marianne at Tads. Si AA kasi walang talent sa pagluluto kaya tumutulong siya dun sa dalawang lalake sa paghahanda nung "venue" daw namin mamaya which is doon sa kubo sa garden namin.

Nabunot ko nga pala sa exchange gift namin mamaya eh si AA. Pero bumili padin naman ako ng regalo para sakanilang lahat at syempre para kay Paul. Sana nga sa ganito ka special na araw masabi ko sakanya yung totoong nararamdaman ko.

Ang problema nga lang. Hindi ko pa kaya.

Grabe lang no? Ilang buwan ko na siyang gusto slash mahal? 5 months na at alam kong hihigit pa dyan.

Nagulat nalang ako kasi habang busy kami magluto bigla nalang nag-ring yung phone ko.

"Hello" bati ko dun sa tumatawag. Unknown kasi yung number niya kaya di ko alam kung sino.

"Ate!!!" halos mapunit yung lips ko sa sobrang ngiti ko nung narinig ko yung boses ng kapatid kong bunso.

"Hey Baby. Merry Christmas" lumapit naman sakin yung dalawa at dinikit yung tenga nila sa phone ko para marinig yung boses ng kapatid ko.

"Merry Christmas Ate. How are ya doing?" nako. English speaking na talaga bunso kong kapatid kasi nasanay na siya dun. Tsaka hinayaan nalang namin. Pero marunong padin naman siya umintindi ng tagalog kahit pano.

"I'm fine baby. How bout ya? Where are you going to celebrate Christmas?" sobrang natutuwa ako na makausap kapatid ko. Namimiss ko na sila eeh. Bukas pa nga pala Christmas sakanila. Advance kasi ang Pinas ng one day eeh.

"I'm fine also I have no idea where. We all miss you ate. We were like, so bored without you" malungkot niyang sabi sakin. Alam ko din naman ksasi na hindi sila sanay na wala ako. Kahit hindi ako nakatira nun sakanila habang nag-aaral ako, lagi padin nila ko nun pinapauwi pag weekends.

"Don't worry baby. I'll go and visit you someday or might as well talk to mom to go visit me here" pagbibiro ko sakanya. Gusto ko nadin naman na talaga silang makita. Namimiss ko na sila more than anyone else.

"Hey Ate. How are you and Kuya Nathan?" nagulat kaming tatlo nina Marianne sa tanong ng kapatid ko. Bigla nga silang napaalis sa tabi ko at tiningnan ako na parang WHAT??

Kilala nga talaga siya ng family ko, diba? 

"We're fine baby. Though we can't be together again. Tell mom, okay?" mabuti nadin na malaman na nila para okay ang lahat. Narinig ko naman na sumigaw kapatid ko at tinatawag mama ko. 

Namimiss ko na talaga sila. Pero mas gusto ko na dito, mas gusto ko na, kasi ayoko ng mang iwan pa. Kung pupunta man ulit akong Canada, gusto ko kasama ko sila hanggat maaari.

"Merry Christmas Alex" narinig kong bati sakin ni Mama. Binati ko din naman sila at tinanong niya ko kung ano daw yung sinasabi sakanya ng kapatid ko.

"Magkaibigan nalang po kami Ma ni Nathan." pag eexplain ko. Sasabihin ko nadin sakanila na my mahal na kong iba. Open kasi ako sakanila. Pero yung nangyari sakin nung pagdating ko dito, hindi ko na yun pwedeng sabihin sakanila. "Tsaka ma, my gusto na po akong iba. Papakilala ko din po siya sainyo" kinabahan ako nung hindi agad nagsalita si Mama. 

Shoooot! Galit ba siya? 

"Sure. Sayang naman pala. Gusto ko pa naman sana talaga si Nathan. O sige na Alex, ba-bye na at mahal na babayaran namin. Papa mo nga pala nasa work kaya hindi mo siya nakausap ngayon. We miss you Alex" at agad pinutol ni Mama yung call. Ni hindi na nga ako naka ba-bye sa sobrang gulat ko.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon