Hindi ako agad pinatulog ng nangyari kanina. Pakiramdam ko mamamatay na ko sa saya. Ewan ko, hindi lang kasi basta kilig yung naramdaman ko kundi saya, sobrang saya na parang hindi ako makapaniwala na nangyari yun.
Sana mahal nalang din ako ni Paul no? O kahit gusto man lang, okay na ko dun.
Siguro nakatulog ako past 12 na. Buti nga at nakatulog pa ko eh. Ako kasi yung tao na kahit my problema o ano paman, hindi ko hahayan na hindi ako makatulog ng at least 7 hours.
So kinaumagahan, gumising ako ng 7:30. 9 pa naman kasi ang klase ko eeh. I mean klase namin nina Paul.
Napangiti nanaman ako pag naiisip ko siya. Miss ko na siya agad. Baliw naba ko? Siguro nga.
Pumasok ako sa school na masaya at excited. Parang kakatagpuin ko lang bf ko no? Tss. Adik na nga siguro ako.
Hindi naman ako ganito ka-childish nung kami pa ni Nathan eeh. Halos nung kami, seryoso kami. Yung tipong pang future lagi yung topic namin. Yung magiging pangalan ng anak namin, yung structure ng bahay namin, etc., etc.
Gets niyo ba? Halos lahat naman ata ng committed sa isang relationship eh hindi maiiwasan yang topic na yan eh. Pero kahit ganun kami kaseryoso dati ni Nathan, masaya ako na walang nangyari samin.
Pagpasok na pagpasok ko sa room, si AA agad sumalubong sakin. Pero kahit ganun, si Paul padin unang hinanap ng mata ko.
Andun na siya, nakaupo sa upuan niya at mukhang busy sa pagsusulat. Ang gwapo niya! O-okay? Ang off topic naman ng sinabi ko.
"ALEX! Ano ba?" naramdaman ko nalang na hinamapas ako ni AA sa braso habang palakad kami papuntang upuan namin. "Matutunaw siya" bulong niya sakin bago kami maupo.
Binati ko muna si Nathan, Tads at Paul bago ulit ako makipagdaldalan kay AA. Pero si Paul, kahit katabi ko lang naman, eh tumango lang ang nagsusulat padin.
"Ano nga ulit yung sinasabi mo?" tanong ko kay AA kasi obviously di ko narinig yung sinabi niya kanina.
"A-attend kaba ng Christmas Ball?" nung marinig ko yun, huminga ako ng malalim kasi parang ayoko. Ano naman gagawin ko dun? Tsaka ang tagal pa nun. Baliw na talaga tong babaeng to. Masyadong excited.
Pero kahit ganon, ayoko padin "Ayoko. Di ko masyadong feel" umiling-iling nalang ako at sumandal sa upuan ko. Si Paul naman di ako pinapansin at busy padin sa pagsusulat. My assignment ata siya sa ibang subject niya? Ewan.
"Di ka a-attend Alex?" narinig kong tanong ni Tads kaya naman napalingon ako sa way niya.
"Hindi. Ayoko talaga. Parang wala ako sa mood" tumango-tango naman siya at mukhang okay lang naman sakanya.
"Ayos! Napag-usapan kasi namin kanina...." at yung ngiti nung dalawang bruha, parang nakakaloko "na...sa bahay niyo tayo mag celebrate ng Christmas. Tutal hindi pa kami dun nakakapunta. Si Nathan palang" at tumataas taas pa ang kilay ni AA pareho na para bang sinasabing mag ye-yes na yan. Tss.
"Baliw! Nakapaunta na kayo diba? Nung mamamatay na ko sa kakaiyak" tapos tumawa ako. Alam naman na nila kung kailan yun eeh.
"Oo nga pala! Kalimutan ko" at kumamot nalang ng lo niya si AA. Siya kasi ang pinaka-pinaka-pinaka makakalimutin sa aming lahat. Sobra!
Pero nakakatuwa no? Mga kaibigan ko nga naman. Kita niyo yan? Bahay namin yun pero sila nagpaplano kung ano gagawin namin dun. Ni hindi na nga ako tinanong kung payag ako o hindi. Aish! Pero okay lang naman.
"Papayagan ba kayo ng mag magulang niyo?" sa tanong kong to, alam na nila na okay lang sakin kaya sabay pang nag yes yung dalawa. Nakita ko din si Nathan na nakikinig samin at nakangiti lang din. Kasama ata siya sa nagplano nito.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...