Who's Got the Pain?: Epilogue

591 22 8
                                    

Huminga ako ng malalim bago pumasok. Excited na ko! Heto na. Wala na tong urungan. 

Hinatid ako ni papa. Masaya siya na malungkot kasi malalayo na ko sakanya. Sakanilang lahat. Pero wala naman silang magagawa. Desisyon ko to at masaya ako sa gagawin ko.

"Tara na po pa" lumakad na kami ni papa papasok. Ang daming tao! Sobrang dami. Lahat sila nakangiti yung iba naman parang naiiyak-iyak pa.

"Kinakabahan ako papa" bulong ko kay papa kasi hindi ko matago yung kaba ko. Parang kahit anong oras ngayon sasabog tong dibdib ko.

"Wag ka kabahan. Di ka namin papabayaan" dahan-dahan padin kaming naglalakad ni papa. Di ko matago yung saya pero mas nangingibabaw talaga yung kaba. Pero nung nakita ko siya...

Nawala lahat ng nararamdaman ko.

Nakangiti lang sakin ang lalakeng makakasama ko na sa habang buhay ko. Nakatitig lang kami sa isa't-isa na parang nag-uusap lang kami gamit ang mga mata namin.

"Ingatan mo siya anak ha?" lalo akong napangiti sa sinabi ni papa nung inaabot niya yung kamay ko kay Paul.

"Opo pa" nag shake hands pa talaga sila ha! Tss. Parang mga teenager lang.

Huminga ulit ako ng malalim bago kumapit sa braso ni Paul. Habang dahan-dahan kaming naglakad papuntang altar, parang mahihimatay na ko kasi di na ko makahinga. Kinakabahan talaga ko!

"Andito lang ako. Wag kang kabahan" tumango lang ako kasi yung boses niya, napapakalma agad ako.

Nag-umpisa na yung misa. Nag flash back lang sakin lahat ng nangyari samin ni Paul nung di pa kami close hanggang sa naging close na kami, nainlove ako sakanya at naging kami.

Sinong mag-aakala na itong lalakeng to ang mag-iisang lalake na maglalakas loob na iharap ako sa altar at mangangako na magsasama kami sa hirap at ginhawa?

Parang panaginip no? Parang impossible? 

Pero parang dream come true. Kasi..gaya sa fairytales, we lived happily ever after.

"Alex" napangiti ako nung hinarap niya ko sakanya para sabihin ang vow kuno niya sakin "Ikaw yung pinaka unique na taong nakasama ko sa buhay ko. Sino bang sira ulo ang sisigaw sa field para isigaw na kakalimutan na niya yung nararamdaman niya sa ex niya. AT sino din bang sira ulo ang aamin nalang nga na mahal niya ko..kung ano-anong lait muna ang sinabi sakin. Tss" narinig kong natawa yung mga tao sa paligid namin..pero ako? Naiiyak lang ako.

"Pero higit sa lahat..ikaw lang yung taong nagpabaliw na utak ko na halos tumirik na mata ko kakaisip sayo kahit lagi naman kitang nakakasama" bumuntong hininga siya tapos ngumiti sakin "Alex, hindi man ako yung perfect na lalake sa buhay mo pero sa harap nilang lahat at sa harap ni Papa God, mamahalin kita kahit mahirap o mayaman pa tayo. My bahay o wala. My kotse o wala. My pagkain o wala. Mag-away man tayo o magbatuhan ng plato sa huli. Tandaan mo..mahal na mahal kita. Pero teka...wag naman sanang mangyari yung batuhan ng plato" narinig ko nanaman yung tawa ng mga nanunuod samin. Sina mama nga, natawa pero naiyak na.

"Paul" umiiyak na ko kasi di ko mapigilan eh "ikaw na pinaiyak ako ng sobra-sobra. Ikaw na manhid na parang walang pakialam na mundo. Ikaw na prangka, malakas tumawa na moody na ewan. Ikaw na nagpabaliw din sa isip ko na parang pag hindi kita nakikita, gusto kitang hanapin lagi. Ikaw na minahal ko na akala ko never akong mamahalin. Ikaw lang..ikaw lang talaga" kinuha ko yung kamay niya at tinapat ko sa puso ko "ikaw lang ang nag-iisang tao na nakakapag patibok niyan ng sobrang bilis. Siguro nasusuka na yung ibang tao sa kakornihan natin, pero mahal kita. Sa harap nilang lahat at sa harap ni Papa God, sayo lang ako at akin kalang. Maliban sa papa ko at kapatid kong lalake at magiging anak natin na lalake..ikaw lang ang nag-iisang lalake na mamahalin ko ng ganito. Sa hirap at ginhawa? Till death to us part? For better or for worst? Lagi mong tatandaan na mamahalin kita hanggang my kahulugan pa ang salitang habambuhay" sinuot ko din yung singsing sakanya at pumalakpak pa nga yung mga kamag-anak namin. Akala mo naman nanunuod lang ng graduation at proud lang sa anak nila.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon