After nung nangyari, napagdesisyunan namin na pumasok nalang kasi malamig na eh. Medyo ilang padin ako sa ginawa ni Nathan pero hinayaan ko nalang kasi huli naman na yun eh.
Sana lang talaga, dumating agad yung panahon na, isang kaibigan nalang ako para sakanya at isang part nung nakaraan niya.
Habang tahimik kami na naglalakad, bigla nalang siyang napahinto at syempre ako din. Sinundan ko kung san siya nakatingin at pati ako natulala din.
Hindi ako agad nakapagsalita. Shit lang.
Kailangan ko nadin bang sumuko? Pero susuko ako, para saan? Eh unang una sa lahat, wala naman akong dapat sukuan kasi hindi naman kami.
"Sorry" bulong sakin bigla ni Nathan at tumapat siya sa harapan ko. Alam kong sinadya niya yun para di ko na sila makita.
Di ko na makita na yakap yakap ni Paul si Hannah niya.
SILA NA BA? Tangna lang!
Gusto ko silang lapitan at hablutin si Paul palayo sakanya pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. At isa pa, anong karapatan kong hablutin siya? WALA DIBA?
"Nathan, ako ba kailangan nadin sumuko?" mahinang tanong ko sakanya habang nakayuko ako. Bakit parang tanga ang buhay ko? Isang minuto ang lungkot lungkot ko, isang minuto medyo gumaan yung pakiramdam ko, isang minuto naman, bigla nanaman akong malungkot ulit.
Hinawakan bigla ni Nathan yung kamay ko "Tanga kaba talaga? Matapos kong magparaya, mapupunta lang sa wala?" tapos narinig kong ngumisi siya, napatingin naman tuloy ako sakanya.
"Alam mo, narinig ko na yan eh!" tapos hinampas ko siya, natawa kasi ako bigla "Una akong nagsabi niya, sunod si Tads, ngayon naman ikaw?" walang hiya! Nagagawa ko pa talagang tumawa, kahit hindi yung tawang tawa talaga, sa mga oras na to ah.
"Tanga ka kasi! Kung hindi ka sana nagparaya. Eh di sana tayo na ulit ngayon" nakangiti padin si Nathan pero yung boses niya my halong panunukso. Hindi naman ako manhid para di ko mafeel na partly, seryoso siya.
"Kailangan ulit ulitin na tanga ako?" at tinulak ko siya pero mahina lang naman.
Nung napaurong si Nathan, bigla ko naman ulit nakita si Paul at Hannah. This time hindi na sila magkayakap. Naglalakad na sila palapit saamin. Napatigil tuloy ako at natulala naman sakanila.
Bakit ganito no? Si Paul yung tumulong sa akin noon na makalimutan ko si Nathan at mawala yung sakit na nararamdaman ko nun. Pero ngayon siya yung dahilan bakit ako nasasaktan ulit, bakit ako umiiyak ulit at bakit ako malungkot ulit.
Pero higit sa lahat, siya yung dahilan kung bakit nababaliw yung puso ko. Bakit ngumingiti ako. Kung bakit kinikilig ako at kung bakit nagagawa ko ulit magmahal.
"Oh" bati niya sa amin ni Nathan nung nakalapit na sila. Tiningnan ko lang si Paul nun at hindi lang ako nagsalita.
"Tol! Hi Hannah" bati ni Nathan sa dalawa. Bumati din naman sakanya si Hannah at saakin din syempre. Kahit pano, sumagot din naman ako.
"Parang di tayo magkakasama kanina ah?" nagulat nalang ako sa sarili ko. WOW!! Nagawa ko pa talagang magbiro? WOW ALEX! Hindi kalang pala tanga, GREAT PRETENDER kapa!
"Kaya nga! Tss. Ano pala ginagawa niyo dun?" napatingin ako bigla kay Nathan. Seryoso siya? Hello! Andito ako? Gusto niya ba talaga na mafeel ko masyado yung sakit? Gago lang talaga!
Nakita ko naman na tumingin si Hannah kay Paul, parang hinihintay niya na siya yung sumagot nung tanong.
"Wala naman. Nag-usap lang. Eh kayo?" wala man lang emosyon na sagot ni Paul. Pero nakatitig siya sakin kaya umiwas naman ako agad ng tingin sakanya. Naiilang ako pero at the same time, gusto ko siyang yakapin.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...