"Alex!" nabalik nanaman ako sa realidad mula sa pag-iisip ko ng siniko ako ni Paul. Natatakot akong lumala tong CRUSH na nararamdaman ko para sakanya. Kasi, hindi dapat tsaka hindi ko pa ata kayang masaktan ulit. Pano kung si Tads nanaman ang mamagitan samin? Pano kung...syet! Ayoko mag-isip!
"Alex, ano na? Kakain kaba? O tutulala lang?" narinig kong sabi ni Marianne at napatingin tuloy ako sakanya, tapos sa plato niya tapos sa plato nilang lahat.
"Ta-tapos na agad kayo?" sabi ko habang nakatingin padin sa walang laman na plato nila. Ay ang tae! Ganun ba sila kabilis kumain o ganun lang ako katagal nawala sa sarili ko?
Napatingin naman ako sakanila at ngumisi lang silang lahat, as in silang lahat pati nadin si Nathan. Ewan ko pero parang natulala ako sakanya, kasi simula nung dumating ako, ngayon ko lang ata siya nakitang nakangiti ulit. Parang ngayon ko lang ulit nakita yung Nathan na mahal na mahal ko...dati.
"Sino ba iniisip mo? Siya?" turo ni Paul kay Nathan "Eh magkakasama naman tayo kaya mamaya mo na siya isipin" napauko ako ng tuwid at tiningnan siya ng mukha kong hindi makapaniwala. Ang gago nitong lalakeng to! Kailangan talagang sabihin niya yun ng diretso?
"Tae ka Paul. Kailangan diretso talaga???" pero di siya nagreact at tiningnan lang niya ko, as in titig talaga. Hindi ko alam kung galit ba siya o asar o ewan ko. Alam kong serious type siya pero kasi iba yung aura niya ngayon. Napayuko nalang ako kasi...kasi kabog nalang ulit ng puso ko yung naririnig ko.
Hindi ko na nga naisip yung reaction ni Nathan at Tads sa sinabi ni Paul kasi ang alam at nararamdaman ko nalang ngayon ay yung titig niya. Dadating kaya yung time, kahit isang beses lang...na mayayakap ko siya pag tinitigan niya ulit ako ng ganito? Kahit as a freind lang sa part niya, okay na yun.
Pinilit kong isubo yung pagkain na hindi ko pa ubos. Kahit wala na kong gana pinilit ko padin kasi ayokong magsayang ng pera. Nung tapos na ko, agad silang tumayo.
"Salamat sa Dyos! Natapos kadin!" sabi ni AA na my malalim na buntong hinga pang kasabay na para bang bagot na bagot na siya kakahintay sakin.
Tinry kong ngumiti kasi hanggang nagyon, bothered parin ako. Ayoko kasing, ayokong mahulog kay Paul. "Sorry na! My naisip kasi ako bigla eh" tapos tinaas taas ko yung dalawang kilay ko para kunwari kalokohan yung nasa isip ko.
"Oh. San na tayo ngayon? Worlds of Fun?" suggestion ni Marianne sabay hawak sa braso ko habang naglalakad kami. Namiss ko talaga yung ganito kami ni Marianne. Mas close kami dati, pero syempre hindi pa yun maibabalik agad kasi once na nagkaron na ng gap sainyo, mahirap ng ibalik yung dati. Pero alam kong mahal ako ng kaibigan kong to, kaya alam kong babalik ulit kami sa buhay na parang magkapatid na talaga kami.
Sumandal siya sa balikat ko habang nakahawak padin sa braso ko at nakasakay kami sa escalator. Pero nagulat ako ng my binulong siya sakin. "I missed you Alex. Sana bumalik na yung dati no?" mahinang tugon niya. Tiningnan ko naman siya na para bang hindi ako makapaniwala kasi yun din mismo yung nasa isip ko. Si Marianne na bestfriend na kapatid ko na, na nagalit sakin ng sobra-sobra dahil sa biglang pag-iwan ko sakanya, eh ganito din yung iniisip? Yung maayos ulit kami. Handa na ba talaga siyang kalimutan yung nangyari noon, lahat-lahat ng yun? At maging bestfriend ko na ulit?
Sana Oo. Sana nakita niyang malakas na ko ngayon at totoong nakalimutan ko na si Nathan. Yun kasi yung kundisyon niya noon para tanggapin niya ko ulit bilang bestfriend niya. Yung pag malakas na ulit ako, pwede na namin ayusin lahat. Siguro ngayon na yun, kasi hindi ko na talaga mahal ni Nathan.
"Mas namiss kita Anne" at ngumiti ako sakanya. Medyo naiiyak na nga ako pero pinigilan ko lang. Para naman kasi akong tanga niya eh, nasa mall tapos biglang iiyak.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...