Bahala na!
Siguro dadating nalang yung araw na magiging masaya ako para sakanila. Diba?
"Pero tol, ano talaga ang balak mo?" Di ko kayang tiisin. Gusto ko talagang malaman. Wala naman dun masama diba? Isipin niya lang na curious ako bilang utol niya.
"Wala" tapos ngumiti lang siya sakin at tumayo na. "Halika na. Uwi na tayo at gabi na oh" tatayo na sana ako nung bigla niyang inabot yung kamay niya sakin.
Ano ba Paul? Hindi mo ba alam na unti-unti mong pinapaslang tong tanga kong puso. Isama mo nadin tong isip ko na kahit midterm exam, ikaw padin ang laman.
Ayy. Ang korni ko na!
Kinalma ko yung sarili ko gaya ng ginagawa ko lagi. Inabot ko yung kamay niya at agad ko din binitawan nung nakatayo na ko.
Kahit gano ko kagustong hawakan siya, di padin naman pwede eh.
"Sa-salamat. Halika na" nauna na ko sakanyang maglakad kasi heto nanaman ako, naiilang sakanya.
"Alam mo Alex, kakaiba ka talaga" napalingon naman ako sakanya kasi nakakagulat siya. Ang bilis niya kong nahahabol lagi. Tsaka napatingin din ako kasi nagtataka ako sa sinabi niya,
"Oh? Bakit nanaman? Kakaiba ako kasi tanga ako? Ay nako alam ko na-" busy ako magsalita kasi alam ko naman na yan sasabihin niya eh. Pero bigla nalang siyang sumabat.
"Kasi diba ang tagal mong tumira sa ibang bansa. Pero ganyan kalang" tiningnan ko ulit siya pero hindi naman siya sakin nakatingin "simple kapadin. Hindi ka yung gaya ng iba na sisigaw ng 'EWW' or 'YUCKSS' " bigla naman akong natawa sa itsura niya, ginaya niya kasi yung tono nung pang maarteng babae. "Tsaka hindi kadin yung parang hindi na marunong magtagalog. Alam mo yun. Yung iba kasi, nag-iiba. Pero ikaw, okay lang sayong tawagin akong utol kahit pang tambay lang yun. O kakornihan yun para sa iba. Okay lang sayong sinasabihan ng tanga o manhind. Basta!" tapos nakita ko siyang ngumiti!
Waaaaaaaaaa. Ngumiti siya.
Dahil sakin?
Totoo??
Napangiti din tuloy ako "Ay. Ang haba ng sinabi ah? Compliment ba yan?" tinulak ko siya gamit balikat ko. Pero syempre hindi naman siya natumba.
"Opo Alexandra. Minsan lang ako magbigay ng compliment kaya pasalamat ka!" at isang totoong ngiti ulit ang binigay niya sakin.
Yung feeling na ang saya-saya ko, kasi masaya siya.
Sana di na to matapos.
Sana isa ako lagi sa rason kung bakit siya masaya.
"Salamat po, tol!" at tinanguan ko siya. At yun nagpatuloy na kami sa paglakad.
Kahit sa simpleng lakad na malapit siya sakin, kinikilig na ko. Sa simpleng hawak ko sa kamay niya feeling ko nakukuryente ako. Sa tingin niya, para akong malulusaw.
Naadik na ko, sa isang Paul Castro!
Tss. Korni ko!
***************************************
Nagsimula na yung sembreak namin. Syempre hindi ako masaya, 2 weeks kong hindi makikita si Paul. Maliban nalang sa birthday ni Paula.
Doon lang ata kami magkikita kasi diba nga invited ako kahit di ko naman sila close.
Sabado at Linggo yung party ni Paula sa isang resort. Kahit di naman ako close sakanila, okay na yun. At leat andoon mga kaibigan ko.
Sa boung lingo wala akong magawa. Nakakabagot na nakakaboring na nakakaantok!
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...