Who's Got the Pain?: Twenty Nine

391 11 2
                                    

Natapos yung klase namin na okay naman. Wala pang formal lessons na nangyari. Maaga din kaming pinauwi ng mga professors namin, kaya naman napagdesisyunan ko na pumunta muna sa field ko.

Kailangan ko lang kasi ulit ng peace of mind and heart nadin. Habang naglalakad ako, bigla nalang nag vibrate yung phone ko.

From: Paul Castro

Punta ka field. My tatanong ako sayo.

Kinabahan naman ako dun kasi mukhang seryoso yung mood niya sa text.

To: Paul Castro

Sakto. Papunta din naman talaga ko sa field eeh. 

Naglakad na ko pero feeling ko natakbo na ko sa sobrang bilis ng lakad ko. Nakakakaba kasi yung text niya, akala mo emergency eh.

Kahit kasi di ko siya nakikita, alam kong serious yung mode niya. Ano kaya itatanong niya? Kung mahal ko na siya o kung pwede siya manligaw?

O-okay. Spell A-S-A?

Pero kung yun ang itatanong niya? Feeling ko sasabog ang dibdib ko sa pinaghalo-halong nararamdaman.

Nung malapit na ko sa puno namin, huminga muna ko ng malalim bago lumapit at tumabi sakanya.

"Ano tatanong mo?" tanong ko agad nung nakaupo na ko sa tabi niya.

Habang inaayos ko yung mga gamit ko at hinihintay yung itatanong niya, narinig ko siyang tumawa.

"Nahawa naba kita ng pagiging diretso magtanong?" tumingin ako sakanya na nakangiti padin siya ng unti.

"Malamang sa malamang, oo na. Kaya ano nga kasi yun?" bumalik ako sa pag-aayos ng gamit ko. Nakakasilaw kasi yung ngiti niya.

"S-sino yung bago mong gusto slash mahal na?" napatingin ako sakanya tapos hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Kasi naman...sasabihin ko ba na SIYA? 

Syempre...HINDI!!

"Secret" sabay sandal ko sa puno pero nakangiti padin ako. 

"Dali na. Sino nga?" aba si Paul ba to? My makulit din pala siyang side sa personality niya? Kailan pa?

"Basta nga. Malalaman mo din naman" pinikit ko yung mata ko para di ko na siya makita. Kasi naman, nakaka-inlove siyang tingnan. Kung pwede ko lang siyang ibulsa at itago nalang, ginawa ko na eh.

"Dali na tol. Sino ba yun?" yung boses niya medyo naiinis na. Tss. Baliw na siya.

"Sasabihin ko. Pag ready na ko. Gaya ni Hannah" halos yung last na sinabi ko pabulong nalang. Sana nga, kasing lakas ng loob ko si Hannah.

"Paanong napasok dito si Hannah? HOY TOL! Imulat mo nga mata mo. Sino nga kasi?" kinakalabit na niya ko kaya naman minulat ko na mata ko.

"Aba Paul? Ikaw ba yan? Bakit ang kulit mo?" nagsasalubong na yung kilay ko pero di naman ako naiinis. Way ko lang to para maiba yung topic.

"Kasi sino nga?" tiningnan niya ko sa mata na parang matutunaw na ko anytime.

"Sasabihin ko. Pero kailangan kita patayin. Okay lang? Ano deal?" seryosong seryoso yung mukha ko na halos napaatras yung ulo niya bigla nung marinig niya yung sinabi ko. 

Waaa. Pigilan mo ang tawa mo Alex! Go lang. Kaya mo yan.

"Okay" tapos nagkibit balikat na siya. Waaaa. Talo ako. Alam naman kasi niya na hindi ko naman siya papatayin tsaka biro lang naman yun.

"Eeeeh! Ayoko nga tol. Ang kulit mo na ha" pinipiglan ko yung sarili ko na hindi ipadyak padyak yung mga paa ko sa sobrang kulit niya.

"Kilala ko ba?" sumandal nadin siya at mukhang suko na siya sa pangungulit niya. Mabuti naman. Ang hirap kasi magpigil.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon