Who's Got the Pain - One

1.2K 21 0
                                    

Limang taon!

Five years, five long years!

Ganyan ako katagal nawala, tumira kami ng pamilya ko sa ibang bansa at doon na din tinapos pag-aaral namin ng mga kapatid ko. Pero ngayon, andito na ko. Andito na ulit ako. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng lumabas ng eroplano. I missed this. 

"Welcome to Philippines Maam" bati sakin nung isang flight attendant pagkalabas ko sa eroplano.

Nagsmile naman ako sakanya "Thank you" sabay lakad ko ulit papunta dun sa kinukuhaan nung mga maleta.

Nung nakarating na ko dun at nakuha ko na yung mga maleta ko. Lumabas na ko at naghintay sa sundo ko. Crap! Wala pa naman akong phone. I mean my phone ako pero wala pa kong sim card na pang Pilipinas. Maya-maya naman my bumusina na harap ko sabay tigil nung van na kulay green tapos my bumaba na babae. 

"Alex!" sigaw nung babae ng pangalan ko tapos palapit na siya sakin. Wait, she seems familiar, can't actually remember her though. 

Tiningnan ko muna sa likod ko baka kasi hindi ako yung tinatawag at kapangalan ko lang. Pero nope, ako nga kasi pagharap ko nasa harapan ko na siya, tapos my isang lalaki siyang kasama. Must be her husband.

"Naaalala mo pa ko right?" tanong niya sakin. I pause for a minute and think.

"Aunty Donna?" yung tono ko halatang di ako sigurado, nakakunot pa nga yung mukha ko habang nagtatanong eh. Nag-iba na kasi itsura niya. Medyo bata pa kasi siya nung huli kaming magkita, ngayon 30 na ata siya eh. Kaya syempre marami din nagbago sakanya.

Nagumiti naman siya ng super wide at mukhang tama nga ako "Nice to see you again, by the way, asawa ko, Uncle Rey" tapos tinuro niya yung lalake.

"Hi Uncle" sabay abot ko nung kamay ko at ngumiti. Nagshake hands naman kami. I have to admit, gwapo ang asawa ni Aunty. Kinasal sila a year after namin umalis. Nabalitaan lang namin through facebook.

"Eto lang gamit mo?" sabay turo ni Uncle dun sa maleta ko, dalawa lang yun actually, pero my hand carry akong dala. Limitado lang kasi ang kilo na dapat namin dala kasi kung mag excess ang mahal ng bayad. Hindi ako mayaman para magbayad ng extra 700 dollars dahil sa mga excess ko. Kaya I make sure na sakto lang, pwede naman akong bumili ng mga gamit dito eh.

Tumango lang ako, medyo nakaramdam kasi ako ng pagod at antok. Ikaw ba mag byahe ng 10 hours, non stop kasi yung sinakyan ko kaya wala talagang pahinga. I mean nagpapahinga ako sa loob obviously, pero nakakapagod yung umupo ng ganun katagal diba?

Pumasok na kami sa van, si Uncle yung nagdadrive, si Aunty naman nasa tabi niya, kaya obviously nasa likod ako. Mag-isa lang ako, I wonder bakit wala silang sinamang iba.

"Bakit di sumama sina mama mo Alex?" sabay lingon sakin ni Aunty. Close siya kina mama at papa, kada kasi umuuwi dati yung dalawa sina Aunty lagi nasundo sakanila.

"Susunod po sila, siguro after a year" pagkikibit balikat ko, di din kasi ako sigurado kung kailan talaga sila susunod dito. Mamimiss ko sila, pero sanay na kong wala sila. Dun kasi nung nag-aaral ako di ako sakanila nakatira. Umuuwi lang ako tuwing bakasyon.

"Ang tagal pa pala, kaya mo bang mag-isa?" kunot noo niyang tanong, siguro nag aalala siya sakin kasi mag-isa lang ako sa bahay. Tapos babae pa ko.

Pinayagan lang naman nila kong umuwi kasi I'm old enough na daw and I have my own money. Dun ako natapos mag high school sa Canada, actually Grade 12 ako nagstart dun, tapos pag dating ng college pinili kong kunin yung 2 year course lang which is Business Adminstration. After nun nagtrabaho na ko sa company ng tita ko, kapatid siya ni papa actually kaya di ako nahirapan humanap ng trabaho. Nung nakaipon na ko napagdesisyunan ko ng umuwi dito at dito nalang ulit mag-aral. Ewan ko ba, baliw na ata ako kasi andun na yung mas magandang opportunity pero mas pinili ko padin dito. 

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon