Who's Got the Pain?: Four

648 15 3
                                    

Kung di pa nagsalita si AA di pa ko matatauhan at di pa maaalis tingin ko kay Nathan, kay Nathan ko. Tanga talaga! Ano pa kasing ginagawa ko dito at kinakaya kong nasa harap ko sila ng bagong mahal niya? 

"Alex, masarap ba?" tapos tiningan ako ni AA ng Alex-ano-ba look. Alam ko naman eh. Alam ko naman na magmumukha lang akong tanga. Pero gusto ko lang ng isa pang chance. Mahirap ba yun ibigay? Ayoko naman silang maghiwalay ni Tads kaya nga maghihintay ako eh. Hihintayin ko na ako ulit yung dahilan bakit bumibilis tibok ng puso niya at kung bakit gusto niyang gumising ulit sa araw-araw.

Bago pa ko makasagot nagulat ako dahil my sumigaw na babae sa likod namin at tinatawag pangalan nila. 

"AA! Tads! Nathan!" rinig na rinig kong sigaw nung babae at alam kong palapit na siya samin. Yumuko naman ako at tiningnan nalang yung kinakain ko, out of place kasi ako nito for sure. Narinig ko ulit yung babae "Oh, sino siya?" malamang ako yung tinutkoy niya diba? Kaya naman inangat ko na yung ulo ko para makita ko siya.

Bago pa ko makapagreact, nagsalita na siya at kitang-kita sa mukha niya yung gulat na may halong lungkot pero kitang-kita ko din yung galit sa expression niya. "Alex" ang hina nung boses niya na parang ako lang yung nakarinig. Magsasalita na sana ko kaso inunahan niya na ko. "Una na ko guys, busy pala ko" akmang tatalikod na siya ng nagsalita ako.

"Marianne!" pigil ko sakanya at tumayo nadin. Si Marianne siya ang best friend ko, turing namin sa isa't-isa parang magkapatid na. Pero ngayon parang galit na galit siya sakin. Galit siya dahil hindi ako nagpakita o nagparamdam man lang sakanila bago ako umalis. Kasalan ko, kasalanan ko lahat! Galit siya dahil nasaktan ko siya!

Di siya lumingon at dire-diretso lang siya kaya naman nagsalita ulit ako "Marianne, makinig ka naman oh" alam kong yung boses ko nagmamakaawa na. Ayoko ng ganito, feeling ko sasabog na ko. Nakitang kong napatayo na si AA at Tads, nagulat din ata sila sa nakita nilang galit sa mata ni Marianne. "Anne, I'm sorry. I'm really sorry" umiiyak nanaman ako. Ilang luha pa ba kailangan kong iiyak? Shit! Sa isang araw ang dami ng nangyayari. Ano pa? Ano pa ba ang kulang ha?! 

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Nung magsalita na siya halos pasigaw na punong puno ng galit "I'm sorry? I'm really sorry?! Anong magagawa niyan ha Alexandra?! Alam mo ba ginawa mo samin? Tanga ka pala eh! Aalis alis ka tapos ngayon mag sosorry ka!" galit na galit siya yan lang ang alam ko. Pero kahit punong puno nanaman ng luha mga mata ko alam kong umiiyak na siya dahil yung boses niya nag-iba na "babalik ka dito, para ano? Para guluhin kami? Guluhin buhay nila na masaya na ngayon ha?!" alam ko kung sino yung tinutukoy niya. At mas lalo akong nasaktan. Masaya na sila, masayang masaya na pala nung wala ako. 

"Pakinggan mo naman ako Anne oh. Di ko naman yun ginusto eh." di na umuupa yung luha ko. Hinang hina nanaman yung buong katawan ko at alam kong nanginginig na ko dahil sa kakaiyak. Alam kong anytime babagsak na ko. 

"Pakingaan? Tangna! Alam mo ba kung gano mo kami nasaktan? Kung gano kami umiyak ng dahil sa isang kagaya mo? Ng dahil sayo halos ayoko na magsalita dahil pakiramdam ko pointless lang kahit anong joke ang sabihin ko o anong kwento ang ikwento ko dahil wala kana para makinig sakin" yung boses niya paos na dahil sa kakaiyak. Ramdam kong nasasaktan na siya ng sobra at pakiramdam ko sa limang taon na nawala ako, ngayon niya palang nailalabas galit niya sakin. Handa naman ako makinig dahil kasalanan nga naman ng isang gaya ko.

"Nasaktan din ako Anne!" halos pasigaw ko nadin na sagot. Alam kong my mga tao ng nanunuod samin pero wala akong pakialam. Hindi sila ang nasasaktan kaya tumahimik lang sila "wala kayo nung mga oras na halos mamatay na ko sa lungkot DAHIL INIWAN KO KAYO, iniwan ko kayo ng di man lang pinapakita yung sarili ko. Di ko kasi kaya Anne eh, ayokong isipin nun na malalayo na ko sayo, sainyo!" narinig kong tumawa siya pero yung sarcastic na tawa tsaka nagsalita ulit.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon