Lumipas ang tatlong araw at simula na ng intramurals namin. Ako, si Tads at AA ay walang sinalihan na kahit na ano kasi wala kaming hilig sa mga ganyan. Kaya naman pupunta lang kami sa campus namin para manuod ng kung ano-ano. Si Paul wala din daw pala siyang sinalihan kasi yung tipo niya, hindi pang basketball player o volleyball. Yung bagay sakanya eh yung gitarista ba pero hindi yung rock, yung mga acoustic lang ba.
Nasa mall kami ngayon at hinintay namin si Marianne. Mahigit isang buwan din kasi kaming hindi nagkita-kita kasi masyado siyang busy sa course niya. Mahirap naman talaga ang nursing, kaya ayoko ng subukan. Nakakatakot pa yung my dugo na lumalabas sa katawan ng mga sugatang tao. Waaa. Ewan di ko ata kayang maging doctor o nurse man lang.
Dahil nga wala kaming sinalihan, lakwatsa nalang muna gagawin namin ngayong araw. Magkakasama kami nina AA, Tads at Paul ngayon sa food court habang naghihintay kay Marianne. Siya kasi yung tipo na super sa pagka-filipino time. Pag sinabi mong 9 magkita-kita, dadating siya niyan ng mga 10:30 na. Sanay naman na kami, di mapagsabihan eh.
Habang busy kaming mag-usap nina AA, bigla nalang my tumawag sakin.
"ALEX!!" hindi na ko lumingon kasi kilalang kilala ko na yung boses na yun. Salamat naman at dumating na siya. Maya-maya naramdaman ko nalang na nasa likod ko na siya.
"Marianne! Anong oras na oh?" nagdadabog na sabi ni AA. Wala na, isip bata talaga si AA eh, kaya pasensyahan na.
Tumayo naman si Marianne sa harap namin at nakasimangot yung mukha. Parang nagmamakaawa na ewan. Ganun ba siya nakonsensya na late siya ngayon?
"Hay naku, Marianne. Okay lang sanay na kami at hindi na yan bago samin" matawa-tawang sabi ko sakanya. Kasi wala naman ng ibang rason para maging ganun yung mukha niya eh, maliban sa pagiging late niya.
Pero di siya nagsalita at my niyayang lumapit sakanya mula sa likod namin. Napalingon naman kami lahat kasi lahat kami nakatalikod dun sa kung sino man yung tinatawag niya.
Pagkakakita ko, napamura nalang ako.
"Shit" super hinang bulong ko sa sarili ko. Hindi ako naiinis para sa sarii ko, naiinis ako para sa part ni Tads. Syet talaga! Ang tae lang! Bakit siya andito? Pano magiging komportable si Tads niyan?
"Oh Nathan" napalingon ako sa nagsalita. At halos mailuwa ko na yung mata ko. Si..si Tads? Siya unang pumansin kay Nathan? Ano to? Okay na sila? Okay na siya?
Napatulala ako sakanya at sobrang nanlaki yung mata ko. Hindi ko na nga maintindihan explaination ni Marianne kung bakit kasama niya si Nathan dito eh. Ang alam ko lang, nagugulahan ako! Anong nangyayari sa mundo? Bakit ganun nalang siya kung makangiti kay Nathan na para bang walang nangyari sakanila. Tae na! Ganun ba kadali yun? Pero hindi, kahit pano kilala ko si Tads, nasasaktan padin siya kahit hindi halata. Kahit nakangiti siya. Kahit-
"Alex, tara na" dun lang ako natauhan nung nagsalita si Paul. Gulat padin yung itsura ko kaya naman di agad ako nakasagot. Bigla naman tuloy akong hinawakan ni Paul sa braso at tinayo ako.
Parang bigla nalang akong nakuryente at nabalik ako sa katinuan at bigla nalang akong nailang. Ganito pala pag CRUSH mo na ang isang tao. Sa simpleng galaw niya, maiilang kana. Sa simpleng ngiti niya, kikiligin kana. Sa simpleng presensya niya, halos mabaliw kana, kasi di mo alam pano ka na gagalaw ng normal ba.
"Ha-halika na" naiilang kong sabi sakanya. Ewan ko pero dati wala lang sakin na nadidikitan niya ko. Wala lang sakin kahit anong gawin niya. Pero ngayon, medyo nag-iiba na yata.
Nagsimula na kaming maglakad at binitawan na niya ko. Nasa hulihan kami at nauuna sina AA. Ang bagal namin maglakad ni Paul na para bang hindi namin sila kasama.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...