Who's Got the Pain?: Thirty Eight

379 7 2
                                    

Lumipas ang birthday ko. Lumipas din ang ilang buwan at ngayon bakasyon na namin. Ang bilis ng oras no? Parang kailan lang nung dumating ako.

Tsaka kung itatanong niyo kung kumusta na si Nathan? Okay naman siya at mukhang okay na ulit sila ni Tads. Okay in a way na parang nadedevelop ulit sila sa isa't isa. Kung tatanungin kami kung okay lang ba samin? Syempre, oo naman.

Tanggap nadin naman kasi ni Nathan na hindi na talaga kami pwede, pero minsan tinutukso niya ko na CRUSH padin daw niya ko. Hindi sa nag yayabang ako, pero alam kong kahit papano gusto padin niya ko pero tanggap na niya talaga.

Yung tipong hindi na siya umaasa na maaayos kami. Masaya nalang siya sa kung ano ang nangyayari sa buhay ko ngayon.

Sa buhay na kasama ko si Paul.

Buntong hininga muna tayo.

Hindi pa kami pero papunta nadin kami dun. Pag magkasama kami lagi lang kaming nag-aasaran na para kaming mga bata. Tsaka pag nakikita ko siya, hindi ako nagsasawa na tingnan siya. Minsan nga para kaming tanga na pag magkakasabay kami ng pagtingin sa isa't isa eh ang bilis naming alisin yung tingin namin tapos ngingiti kami pareho.

Ang dami niya din sakin sinabi tungkol sa pinagdaanan kuno niya na pigilan yung nararamdaman niya sakin. Gago talaga yun!

Yung mga paghawak daw niya ng kamay nun sakin at pag yakap, minsan daw hindi na niya mapigilan na huwag umamin sakin. Pero dahil daw isa't kalahating torpe siya, hindi daw niya kaya lalo na raw nung nalaman niya na okay na kami ni Nathan.

Pero that was soooooooo last year. At ngayon masaya kami lagi pag magkasama kami.

And speaking of him, birthday na niya bukas. 21 na siya. Kaya andito kami ngayon nina AA, Marianne at Tads sa mall. Naghahanap ng ireregalo sakanya.

Si AA actually, nakabili na siya ng regalo sakanya. T-Shirt na Guess. Natawa nga ako kasi ang mahal daw.

"Eh bakit kasi yang mahal pa ang pinili mo?" natatawa-tawa kami sakanya habang nagbabayad siya sa counter.

"Eh debut po yun diba? 21 ang debut ng mga lalake. Alangan naman yung mumurahin lang" inirapan niya lang ako sabay kuha nung paper bag na pinaglagyan ng binili niya.

"Tae yan! Pag to di magustuhan ni Paul mo. Papatayin ko kayo" nakakatawa talaga si AA. Wala naman kasing pumilit sakanya eh. Tsaka bat pati ako damay?

"Kasama talaga ko? Tss" ginulo ko yung buhok niya at inirapan ko din siya. Para kaming bata na nag-aasaran na loob ng mall. 

Si Marianne naman at Tads, natatawa tawa lang sa ginagawa namin. Sa grupo talaga kami, si AA ang pinaka ma-joke at si Marianne at Tads naman yung mga serious type pero pag biruan, di din sila pahuhuli.

Kumain muna kami at naghanap na ulit ng mareregalo sa lalaking yun. Nakabili na sila actually ng mga regalo nila. Ako nalang ang hindi. Nahihiya kasi ako pero alam ko na ang gusto kong bilhin para sakanya.

"Alex, ano ba gusto mong ibigay sakanya?" paakyat na kami ngayon sa part ng mall kung saan andoon yung mga musical instruments.

"Shoot! Wag mong sabihin na isang musical instrument ang bibigay mo sakanya?" ang laki ng mata ni AA na halatang gulat talaga. Napansin ata nila na dire-diretso ako sa paglalakad at papunta na ko sa mga gitara.

"Wow Alex ha! Gitara?" hinawakan ni Tads yung isang gitara na kulay itim. Tumango naman ako kasi yun talaga gusto kong ibigay sakanya.

"Iba na talaga pag galing sa ibang bansa" napailing-iling nalang si AA habang natitig dun sa gitara sa tabi niya.

"Ay anong konek nun sa pagbili ko ng gitara?" hinawakan ko yung gitarang hawak kanina ni Tads. Ang ganda kasi.

"Wala lang. Haha! Swerte ni Paul ha. Sana pag birthday ko, bahay iregalo mo sakin Alex" parang tunge to si AA. Ano ako, milyonarya? Tss.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon