Hindi ko alam kung pano ko nakakaya yung araw-araw na talagang hindi ko na siya kasama. Pakiramdam ko, kahit banggitin ko yung pangalan niya..wala na kong karapatan.
Ibang iba na siya sakin. Hindi niya lang ako basta iniiwasan, sinusungitan at madalas parang invicible din ako sakanya. Hindi nadin siya samin sumasama pag lunch. Basta ang dami dami ng nagbago.
Hindi ko na siya kayang kausapin at hindi ko nadin siya kayang ngitian.
Nahihiya ako.
Nahihiya ako sakanya at sa sarili ko kasi siya yung pinili kong mahalin. Nahihiya din ako na kahit sa ilang segundo lang noon, inisip ko na gusto niya din ako. Kasi ang totoo, wala lang pala ako sakanya.
Nasasaktan ako pag naiisip ko yung yakap niya sakin noon. Yung paghawak niya ng kamay ko ng sobrang higpit na aakalain mong takot siyang mawala ako sakanya.
Ano kayang nangyari para humantong kami sa ganito? Ano ba yung nagawa ko o hindi ko nagawa para saktan niya ko ng ganito?
Wala ba talaga kong halaga sakanya?
Pumapasok ako sa klase hindi dahil sa gusto ko kundi dahil nalang sa kailangan kong pumasok.
Dati naglalakad palang ako sa hallway eh kinakabahan na ko pag iniisip ko na ilang segundo nalang makikita at makakausap ko na siya.
Ngayon, kada hakbang ko sa hallway, natatakot ako sa pwede kong makita. Kasi bawat araw, nararamdaman ko yung MAS lalong paglayo niya sakin.
Natatakot din ako na bigla nalang bumulaga sakin na magkasama sila ni Hannah at sobrang masaya sila.
Ayoko..ayokong makita sila na ganun.
Pero magalit na kayo sakin o ano..pero sa totoo lang, hinihintay ko siya. Hinihintay kong sabihin niya na joke lang tong lahat. Na sinusubukan niya lang kung kaya ko bang wala siya sakin. Yung tipong masusurpresa nalang ako isang araw at sasabihin niyang...
"Alex..namiss kita. Natakot kaba? Sorry kung ginawa ko to sayo. Gusto ko lang malaman kung ano ba ko sayo" sana..sana sabihin niya to sakin.
Maghihintay naman kasi talaga ko, kahit gano pa katagal.
Pagod na pagod na kong umiyak pag naiisip ko yung dating kami. Pagod na pagod na kong mapagod pero hindi ko padin kayang sumuko. Hindi ko padin kayang kalimutan yung nararamdaman ko sakanya.
Kung kay Nathan dati gustong gusto kong mag move on..kay Paul iba, ayoko. Hindi ko kayang humakbang palayo.
Pero ayoko kong ipag kumpara yung naramdaman ko noon sa nararamdaman ko ngayon, kasi magkaiba sila. Sobrang magkaiba.
"Alex, tulala ka nanaman" lagi nalang akong ganito. Parang wala sa sarili. Buti nalang naiintindihan nila ko.
"Oo nga eh" walang emotion kong sagot kay Nathan. Nasa my bleachers kami ngayon, wala pa sina AA kaya dito muna kami naghihintay.
"Sorry Alex. Ka-kasalanan ko kung bakit ka ganyan" napatingin ako kay Nathan pero ngumiti ako. Pinilit kong ngumiti.
"Hindi naman. Tanga lang ako" galing sa pagkakatingin ko sakanya napayuko nalang ako bigla. Nakakasakit isipin na sa ika milyong pagkakataon, ako nanaman pala si dakilang tanga.
"Malalaman mo din Alex. Sana pag okay na ang lahat, wag ka magagalit sakin" alam kong my ibig sabihin yung sinabi ni Nathan pero ayoko kong isipin. Masyado pa kong maraming iniisip para my dumagdag pa.
Marami nga ba kong iniisip? Sa pagkakaalam ko kasi..puro SIYA lang ang laman ng utak ko eeh.
"Okay lang. Pagod na ko mag-isip. Tama na muna" at nagpakawala ako ng ilang napaka lalim na buntong hininga.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
Roman d'amourAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...