Thank you sa effort mong basahin at i-vote tong kwento. Natutuwa talaga ko, sobra! Thank you sooooooo much <3
________________________
Nakakatuwang isipin na parehong super memorable ng birthday namin ni Paul. Siguro kung pareho kami ng hiling, yun ay yung manatili na kaming ganito..habang buhay, kung totoo nga ang salitang yan.
Ang sayang isipin na simula nung naging kami, never pa kaming nagkaron ng major na away. Di naman kasi pang telenobela ang buhay namin eh. Pero pareho kaming masaya.
At..pareho naming mahal ang isa't isa.
Nagkakatampuhan kami, oo. Normal na yun diba? Pero kahit ganun si Paul ko, seryoso at mukhang walang pakialam, di niya palilipasin ang araw o gabi na hindi kami magbabati. Gagawa siya ng paraan pag kasalanan niya at kahit hindi niya kasalanan, gagawa padin siya ng paraan.
Araw-araw mas minamahal ko siya, kung possible nga yan. Pero ewan ko..di ko maexplain yung pakiramdamn na araw-araw padin akong kinakabahan sa tabi niya. Kinakabahan ako pero comfortable padin ako. Alam niyo yun?
Kung my tamang sentence siguro, yun ay.. He never falied to amaze me.
Araw-araw parang bagong chapter ang nabubuksan sa buhay namin. Yung tipong hindi ka magsasawa kasi iba iba ang nakikita mo pero pareho padin ang nararamdaman mo?
Ganun..ganun kami.
Lumipas na ang araw, buwan at taon. Ngayon, graduate na kami. Akalain niyo nga naman diba?
Sabay-sabay kaming grumaduate at syempre, masaya kami. Sobrang saya na sa wakas, haharapin na namin yung totoong buhay. Yung kami na mismo at bubuhay sa sarili namin.
"Congratulations Graduates!" sigaw nung Dean ng College namin after ng ceremony. Syempre mawawala ba ang sigawan at yakapan? Iyakan at batian? Picture at yakapan? Syempre..hindi.
Lumapit sakin sina AA kahit sobrang ang gulo ng mga tao. Nakakatawa nga kasi alphabetical ang arrangement ng commencement namin. At dahil Aragon si AA, andoon siya sa pinakaumahan. Ang layo tuloy siya.
Lalo nadin si Tads na P pa ang surname. Pero kahit ganun, heto magkakasama kami kahit sobrang dami ng tao.
"Congratulations!!!" bati namin sa isa't isa. Syempre yakapan at picture nadin kami. Andito si Marianne though iba ang graduation nila. Nauna sila saamin.
Nakakatawa kasi walang naluluha samin. Lahat kami masaya..masayang masaya para sa isa't isa.
Maya-maya, nakita ko nadin ang nag-iisang lalake na kukumpleto sa araw kong to.
"Congrats!" niyakap niya ko mula sa likod ko at sinandal ulo niya sa balikat ko.
"Ay ang daming langgam!" pagbibiro ni AA. Tawa naman tuloy kami kahit ang korni lang. Tss.
"Korni mo padin A. Nako" tapos binatukan siya ni Nathan. At dahil si AA ay si AA, gumanti naman siya syempre.
Kahit ang gulo gulo nila, ang focus ko eh andito padin sa taong yakap ako ngayon.
"San ka pupunta after nito?" yakap yakap niya padin ako kaya naman masyado na kaming PDA nito. Pero. I DON'T CARE!
"Kakain lang kami nina Ate sa labas. Bakit? Sama ka?" humarap ako sakanya kaya di na niya ko yakap ngayon.
Hinawakan ko yung dalawa niyang kamay para magkaharap lang kami ngayon.
"Andyan sina Mama eh. Punta nalang kayo samin" tumango nalang ako. Mas gusto ko naman talaga siyang kasama eh. Tsaka legal na kami ng parents niya at pati nadin sa parents ko.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...