Hindi maalis sa isip ko yung nangyari kagabi. Ayoko ng isipin pa. Nakakabanas kasi. Ang sakit sa ulo tapos di ko alam. Di ko alam anong gagawin o sasabihin ko. Kasi di ko naman yun ineexpect eh.
Liligawan niya ko ulit?
Shoot lang. Di ko na alam gagawin ko nun, di ko alam sasabihin ko. Di ko alam anong nararamdaman ko kasi parang...kahit pano, andito padin pala siya pero mas matimbang na si Paul. Di ko lang kayang sabihin o aminin yun sa sarili ko kasi sobra niya kong nasaktan. Hinding-hindi ko makakalimutan yung sinabi niya sakin kagabi.
"Alex, kahit..kahit hindi na ako..ano, sana hayaan mo lang akong ligawan ka" at mas lalo niyang hinigpitan yung hawak niya sakin. Ang bilis lang ng tibok ng puso ko nun, pero hindi ko alam kung ano bang dahilan ng pagtibok niya.
"Na-nathan" yan lang yung nasabi ko kasi di ko talaga alam. Eto yung matagal ko ng hinihintay diba? Pero noon yun, nung di ko pa mahal si Paul. Oo mahal ko na talaga si Paul, kasi siya ang nasa isip ko nung gabing yun habang sinasabi niya yun sakin. Malalaman mo palang mahal mo na talaga isang tao pag nasa ganun kang situation, yung parang pipili ka. Doon mo marerealize kung sino yung gusto mong mag stay sa buhay mo. Pero hindi ko din idedeny na, oo, gusto ko padin si Nathan.
"Sssshhh. Alex, alam ko. Alam kong si Paul na...pero sigurado akong andyan padin ako" sabay turo niya sa puso ko "gagawin ko nalang ata lahat ng kaya ko para ako na ulit ang mas matimbang sayo" sabay halik niya sa noo ko. Syet! Hindi ko alam iisipin ko nun, di ko alam gagawin ko nun. Nababaliw na ko kakaisip. Ayoko na kasi ng ganito. Bakit ba ang gulo ng buhay ko?
Habang naglalakad ako papunta sa school para akong tanga na panay lang ang lingon lingon ko kasi natatakot akong makasalubong siya. Hindi ko pa siya kayang harapin.
Nakakahiya.
Nakakailang at.
Nakakatakot.
Natatakot akong bigyan ulit siya ng chance kasi hindi pwedeng dalawa ang gusto ko, kahit pa sabihin na natin na alam ko kung sino mas gusto ko o sabihin na natin sino mas mahal ko, di padin tama na dalawa sila. Oo nga't di naman ako gusto ni Paul, pero unfair padin sa part ni Nathan kung papaasahin ko siya.
Wala naman taong gustong umasa sila sa wala diba? Pero sabi niya hayaan ko lang siya. Yun nga lang ba talaga dapat kong gawin ngayon? Hayaan ko muna siya sa gusto niyang gawin? Ewan ko. Bahala na.
Kagabi wala man lang ako naisagot, tumango lang ako na parang tanga. Aba, talagang pinaninindigan ko ang pagiging tanga eh no?
"ALEXANDRA!!!"
"ANAK NG TANGA!!!" napasigaw ako sa sobrang gulat. Tae yan! Nagmumuni muni ako dito tapos bigla nalang my sisigaw ng pangalan ko. Hindi ako mamamatay sa gulo ng utak ko eh, kundi sa sakit ng puso! Pagtingin ko naman si AA pala na magkasalubong yung kilay. Feeling ko...kanina niya pa ko tinatawag.
"Kanina pa kita tinatawag. Nung una, malumanay lang. Pero nung naka 100 na ata akong tawag sayo, di na kinaya ng pasesnya ko" sabay pamewang sa harap ko at yung mukha niya di mo maipinta. Ang adik!
"Kailangan talagang my exact number? Bakit di kanalang kasi lumapit?" napakamot nalang ako sa ulo ko. Ganun na pala ko kawala sa sarili ko kanina. Buti nalang si ako nabunggo o nahulog sa hagdan.
"Gano kaba kalayo ang distansya ko sayo??" tapos tinuro niya yung kinatatayuan niya. Natawa tuloy ako. Halos dalawang talampakan nalang pala kasi yung layo niya sakin. "Ngayon tatawa-tawa ka!" sira na tong babaeng to. Ang init na nga ng panahon ang init pa ng ulo.
"Ang init ng ulo natin ha" umiling-iling nalang ako habang natatawa-tawa pa. Kasi naman parang siyang nanay na pinapagalitan yung anak niya.
"BIro lang naman" tapos biglang nagpa-cute ang gaga. Haha. Parang tanga lang. "Anong nangyari kagabi??" tapos parang kinikilig kilig pa na ewan ko.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...