Di ako tumitingin sa harap ko. Ayoko kasi sila makita, ayoko makita yung reaction sa mukha nila. Sa mukha niya. Pucha! Haha. Nakakatuwa, ito agad sasalubong sakin? Ano pa? Ano pa ba dapat kong malaman? Tangna naman! Tutulo na luha ko pag di pa ko umalis dito, kaso ayoko. Ayokong makita nila yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
Maya-maya pumasok na si AA sa room, nakita kong napatigil siya at alam kong sa itsura ko ngayon alam niyang alam ko na. ALAM KO NA! At sinusumpa ko na nalaman ko pa! Dahan-dahan siyang lumapit sakin at mahina lang boses niya. Pasalamat akong wala pa professor namin.
"Alex, my nakaupo diyan. Kanina pa siya nakatayo oh" mahinang sabi niya sakin at tinuro yung lalakeng nakatayo sa my isle. Nagulat naman ako at napatawa. Walang hiyang babaeng to, kita ng nagluluksa ako dito, yan pa talaga sasabihin niya?
Tiningnan ko naman siya at napatawa talaga ako. Alam ko naman na pinapatawa niya lang din ako. Pasalamat ako na kahit matagal akong nawala, isa siya sa mga inintindi ako. Alam kong nasa tabi ko na siya ngayon at malalapitan ko siya sa sakit na nararamdaman ko.
"Ay sorry po" sabay yuko ko dun sa kaklase kong lalake at umalis na sa upuan niya at sinundan si AA sa kung saan siya nakaupo. At tangna talaga! Pang sinuswerte ka nga naman! Sa tabi pa talaga nila? Sa tabi talaga? Kailangan ko ba talaga to pagdaanan sa isang araw na to?
"Sa dulo nalang ako AA, nakakahiya naman kung sa gitna agad ako" pinilit kong ngumiti ng isang totoong ngiti. Pero hindi ko sila kayang makita kahit sulyapan man lang. Nakalimutan ko kasi, group of friends kami nina AA at Tads kaya malamang sakanila talaga siya tumatabi.
"Oo naman no. Akala mo ba dito kita papaupuin sa gitna. ASA! Kitang kita dyan ng professor kaya dyan ka!" sabay tawa niya at hinila na ko paupo sa tabi niya. Pero eto na yung pinaka dulong upuan sa row namin. Alam kong tinatanggal niya lang yung awkwardness na nangyayari sa paligid namin ngayon. At alam ko din na nilalayo niya lang ako sa dalawa kasi alam niyang nasasaktan ako, nasasaktan ako ng sobra.
Umupo naman ako at tahimik lang. Di ko nanaman kaya magsalita kasi sumasakit nanaman dibdib ko. Simula palang to ng sakit na mararamdaman ko. Nagsisimula palang to! Alam ko na sa oras na bumuka ang bibig ko ang humarap ako sakanila di ko na mapipigilan ang pagpatak ng luha ko. Alam kong segundo lang ang hihintayin ko at bibigay na ko sa nararamdaman ko. Masakit kasi! Masakit na masakit. Kung my salita na pwedeng humigit sa salitang MASAKIT yung na siguro ang pinaka tamang description na nararamdaman ko ngayon. Shit!
Nangigilid na talaga yung luha ko, buti nalang dumating na yung professor namin at bumati mga kaklase ko. Sabay sa pagbati nila ay nagpakawala ako ng isang buntong hininga at inayos ulit sarili ko. Alam kong magpapakilala ako kasi baguhan ako. Professor namin yung nakasalubong namin kanina ni AA at yung nag-utos sakanya na pumunta ng faculty. Tanda niya na ako kaya tiningnan niya agad ako nung nakapasok na siya.
"Good Afternoon class. It seems that you have a new classmate" tiningnan lang niya ko at alam ko din na nakatingin na sakin lahat ng kaklase ko. Well except kay Nathan na diretso lang ang tingin nung di ko sinasadyang masulyapan siya. Si Tads naman nakatingin siya sakin, pero di ko siya tiningnan. Di ko pa talaga kaya. Nabigla pa ko masyado "You may as well introduce yourself" at pakasabi niya nun tinulak naman ako ni AA papunta sa harapan.
Habang nakatalikod pa ko sa mga kaklase ko pumikit muna ko at hinanda yung sarili ko na makita siya. Makita sila, makita silang magkatabi. Pagharap ko pinilit kong di siya tingnan pero di ko mapigilan. Sakanila ako ni Tads nakatitig at alam kong punong puno ng longing yung mata ko. Gusto ko ako din yung katabi niya ngayon. Sana ako ulit. Nilakasan ko na yung loob ko bago pa ko maiyak sa harap nilang lahat mas nakakahiya kaya yun.
"Good afternoon" pagsisimula ko. Nakita kong nag wave ng kamay si AA at alam kong sinasabi niya na sakanya nalang ako tumingin, alam kong alam niyang nasasaktan ako "I'm Alexandra Cruz, I came from Canada. I'm a Filipino though, a pure one" ngumiti ako sakanilang lahat. Di ko alam kung dapat na ba ko magtagalog, pero kasi english yung professor namin magsalita kaya feeling ko tuloy kailangan ganun din kami "I'm 19" nag-isip ako ng pwede kong pang sabihin pero wala na kong maisip eh "I guess that's it" at tumingin ako sa professor ko para senyasan ako na pwede na kong maupo.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...