One. First Loss

20.6K 374 5
                                    

Writer's note: My first story! sana po mag-enjoy kayo sa pagbabasa... :D Sa una lang po 'to corny pero sa mga chapter na two digits ang number, magugustuhan niyo po! :D


&&&


The Evil Prince

written by imnotgivingup


One. First Loss

Point of View:

-Phoenix Villaflor-


"Hi. Wanna go out with me?", sabi ko sa babaeng to na walang ka-appeal appeal.

"Wha?! totoo ba 'to?!... Kaytagal kong hinintay na mapansin mo 'ko, Phoenix.", sabi naman niya.

"So....was that a yes?", sabi ko nang nakangiti.

Natuwa naman siya at naexcite at sinabing, "Yes! Let's go!"

Hinawakan niya ang kamay ko at hihilahin niya ata ako pero hindi ako gumalaw... waahaaha! sobrang sakit na ng tiyan ko!! Hindi ko na napigilan kaya nahalata niya ang pagtawa ko.

"Wahahahaha!"

"Huh? Bakit?", pagtataka niya dahil sa pagtawa ko nang malakas.

Hindi ko siya sinagot dahil natatawa pa ko, "wahahahahaha!".

"Anong nagyayari sayo, Phoenix?... tara na.".

"Bitiwan mo nga ako! Kadiri ka! Hahaha! Asa ka pa na yayain talaga kita noh!".

"A-ano?", medyo teary-eyed na sabi nung babae.

"Ang PANGET mo kaya! Pasabi-sabi ka pa diyan ng 'hindi mapansin'... eh pansing-pansin kaya yang mukha mo! wahahahaha!".

Binitawan niya ang kamay ko at tumalikod paalis. Tapos pinigilan ko siya.

"Sandali...", i said sincerely. pero sincere nga ba?

Hindi nagsalita yung babae kaya sinabi ko

"I'm sorry.".

"Talaga?", sabi niya.

"Hindi no! Wahhahahah! You're such a FOOL! GET LOST!".

Iyak siya eh! Wahahaha! Hayyyy angsaya balikan ng mga ganung memories eh. Buti nalang at pasukan na ulit bukas! katamad dito sa bahay for 3 months eh... walang mapagtripan, walang iyakan...

***

"Good morning."

Kaliwa't kanan ay iyon ang naririnig ko at kapag nakikita nila ako, tumatabi sila sa gilid para makadaan ako. Wala eh! Hahaha. Fourth year highschool na ko ngayon at simula nang first year palang ako hanggang ngayon ay ako na ang kilalang Prince. Dumiretso na ko sa klase ko. Aba madami ng tao agad, akala ko tuloy late na'ko pero buti nalang hindi.

"Good morning class!" sabi ng professor namin na kakapasok pa lang."Huwag na tayong magsagawa ng introduction dahil kilala niyo naman ang isa't-isa.". 

Anu ba yan... ang boring. Ako lang ang sagot nang sagot sa mga tanong ni prof. Pero sige, tiis-tiis na lang, dahil pagkatapos nito bagong memories ang madadagdag.

"Goodbye class. You can now have your snack.".

Yun! buti nalang at tapos na ang boring lecture! Dumiretso na 'ko sa canteen para kumain at maghanap na rin ng pwedeng mabiktima. Hmmm... ayun!

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon