Fifty-Two. Chocolate

2.5K 53 7
                                    

Writer's note: Ay! Hindi pa pala 'to huli... haha... mali ang prediction.... pasensya na... Anyway! mas maganda kasi extended ng isang chapter! ^__^

&&&

previously on The Evil Prince...

Pasukan na ulit pero hindi pa rin nagkakausap sina Phoenix at Autumn dahil kay Gale at sa tatay ni Phoenix.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Fifty-Two. Chocolate

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko, "Gale nama----", napatigil ako sa pagsasalita kasi iba ang nakita ko sa paglingon ko.

"May dahilan ka naman, diba?", tanong ni Autumn sakin. Hindi ako makasagot sa kanya kasi ngayon ko nalang ulit siya nakausap, ngayon ko lang narinig ang boses niya saka nakakahiya yung mga desisyon ko para sa relasyon namin... may relasyon nga kami pero asal wala naman... dahil sakin. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, "Ipaliwanag mo naman kay kuya...".

Sasagot na bale ako pero sa likod niya, natanaw ko yung mga kaibigan ni Gale na may hawak na cellphone. Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak ni Autumn tapos umalis na 'ko.

Shi----!. Hindi ko alam kung tama 'tong ginagawa ko pero kasi... sigurado ako, sinabihan ni Gale ang mga 'yun tungkol sa'min ni Autumn at malamang, pinababantayan din ako. Isang picture lang saming dalawa ni Autumn at isang send lang kay dad, patay na 'ko pati na si Autumn, pati si Aj, pati yung tatay ni Aj, lalo na ang negosyo nila.

Hindi lang Horror House ang kinatatakutan ko... si dad rin.


***

Pagkatapos ng pangyayaring 'yun, hindi ko na naramdaman ang presensya ni Autumn... parang nawala na siya sa mundo ko.

Dati, nililingon niya pa 'ko kapag nasa classroom at tinitingnan kapag nagkakasalubong kami sa hallway at sa kung saan man pero ngayon, wala na.

Dati, namimiss ko siya kapag hindi niya 'ko kinikibo pero ngayon, parang okay lang...

&&&

Point of View:

-Autumn Garcia-

Isang buwan na rin ang nakalipas at hindi ko pa rin nakakausap si Phoenix.

Bakit ba kasi hindi niya 'ko sinagot nang tinanong ko siya nung isang beses?... At tinalikuran pa niya ko...

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Ayaw niya ba 'kong makausap?, yun ang tanong ko sa sarili ko. Dahil dun, hindi ko na nga siya pinansin... baka kasi ayaw niya rin na palagi akong tumitingin sa kanya... baka kasi naiirita na siya sakin... baka kasi ayaw niya na sakin... baka kasi ayaw niya na ginugulo ko sila ni Gale... baka kasi gusto na niya si Gale.

P-pero sinabi niyang mahal niya 'ko... Hindi ba yun totoo?


***

Hindi nagtagal, palapit na nang palapit ang Valentine's Day, bukas na nga 'yun eh. Sa daan pauwi, marami akong nakikitang mga babae na bumibili ng chocolates at ang mga lalaki naman, flowers.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon