Twenty-Five. So tutoring is fun huh

4.2K 70 4
                                    

Writer's note: Thanks po sa mga feedbacks! :D Ang laki po ng tulong niyan! Nakakapagpagana po! ^___^

&&&

previously on The Evil Prince...

Naging magkakasama na ulit sina Phoenix, Alexander at Autumn. Hindi na rin nanggugulo si Gale. Pero isang araw pa lang naman yun. Gumagawa na ng paraan si Phoenix para mas mapalapit kay Autumn nang hindi nalalaman ni Alexander.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Twenty-Five. So tutoring is fun huh

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Kahapon. Nag-assign ang SS teacher namin ng mag-partners para sa project (interview sa mga magulang kung pabor sa Kto12) at kaming dalawa ni Autumn ang naging mag-partner, kasi dapat dalawang honor student para hindi aasa lang yung isa. Niyakag ko bale si Autumn na gumawa na ng project kasi sa monday na yung pasahan nun kaso lang....

***

"Autu------", patawag pa lang ako pero nakita ko na si Aj na papunta sa kanya. "Punta na 'ko sa Student Council Room. Marami pang gagawin eh.", nagdahilan nalang ako. Delikado baka malaman pa ni Aj.

Nang papaalis ako, narinig ko pang nagsalita si Aj, "Kain tayo. Libre ko. Huwag ka nang umangal na ikaw ang magbabaya-------", hanggang dun nalang ang narinig ko kasi lumayo na sila at lumayo na rin naman ako.

***

Pero NGAYON. Iba na. May ginagawa si Aj sa Library. Assistant siya dun at M,W,F ang schedule ng duty niya. Walang asungot ngayon.

Nakita ko si Autumn na palabas na ng room at pauwi na ata kasi may dalang bag, kaya napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano, at sinundan ko nalang siya. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan, pero hindi mahigpit baka kasi masaktan siya eh.

"Gawa na tayo ng project ngayon.", sabi ko, "Sa monday na ang pasahan nun. Friday na ngayon.". Sinabi ko rin na dapat nga ay yayakagin ko siya kahapon kaso nga lang ayun nga, kasama niya kasi YUN.

Medyo nag-isip pa si Autumn bago sumagot. "May gagawin pa kasi ako ngayon eh.", sabi niya, "Kung gusto mo, ako nalang ang gagawa nun pero bibigyan pa rin kita ng grade.".

"huh?", aba! Hindi  naman ata pwede yun. Edi hindi kita makakasama? Naku naman, Autumn. "Ayoko. Bakit? Ano bang gagawin mo ngayon?", tanong ko sa kanya.

"May tutoring kasi ako ngayon eh.", sagot niya, "Pangdagdag allowance.". Nagpaalam na siya sakin at binitawan ko siya pero nung umalis na siya nakaisip ako ng magandang ideya.

Pinigilan ko ulit si Autumn, sa pangalawang pagkakataon. "Sasama nalang ako sayo.", sabi ko nang nakangiti, "Ayos yun diba?. Pwede nating interview-hin yung nanay ng tsinu-tutor mo.". Nagbigay pa ako ng ibang dahilan para mapilit ko siyang isama nalang ako at nagtagumpay naman yun.

Pinauwi ko nalang kay kuya Rico yung bag ko tapos sumakay nalang kami, ni Autumn, sa taxi. Ako ang nagbayad, syempre.

Ang ganda ng bahay ng tsinu-tutoran ni Autumn ha. Sinalubong kami nung nanay ata nung batang tsinu-tutoran niya, at pinapasok kami sa bahay.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon