Forty-Three. Boom!

3.1K 65 4
                                    

Writer's note: Eto na ang update!! :DDD

&&&

previously on The Evil Prince...

Nagbusy-busyhan si Phoenix sa araw na dapat mag-uusap sila ni Autumn para hindi siya makapunta dun. Pero sa huli, nagpunta pa rin siya at nagkaayos din. Sinabi na ni Autumn ang feelings niya para kay Phoenix.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Forty-Three. Boom!

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Good morning sa'ting lahat!", sabi ni Alexis na nilayuan naman namin. "Bakit?", tanong niya. Tinakpan namin ang mga ilong namin at na-realize niya na, "Ah. Oo nga. Sige.", sabi niya tapos nagpunta na siya sa CR para mag-toothbrush.

Nagtawanan lang kami at saka bumaba para kumain. Pagkatapos naming kumain, biglang nagsalita si John, "Punta tayo kina Alexander ngayon!". Tumango nalang kami. "Tapos bukas kina Gale naman!", dagdag niya. Tumango lang kami. "Tapo----".

"Kumain ka pa.". Sinubuan ni Jake si John ng pagkain para tumigil sa pagsasalita. Sobrang daldal kasi talaga ni John at puro nonsense naman ang pinagsasasabi. "Eto pa.", sabi ni Jake, "Ubusin mo 'to.".

Pagkatapos nun, ginawa na namin ang mga dapat gawin at saka kami nagpunta kina Aj. Sinabihan ko si Aj na pupunta kami kaya sinalubong niya kami, kasama si Autumn, sa pinto ng bahay nila. "Surprise!", sabi ni John.

"Okay. Nagulat na 'ko.", sabi naman ni Aj na kalmado lang. "Tama na, John. Baka atakihin na 'ko sa puso.", umarte pa siya.

"Sinabihan ka ni Phoenix nuh?", sabi naman ni John. Tumango nalang si Aj. "S-sino yan?", tanong ni John kay Aj.

"Kapatid ko.", sagot ni Aj. "Autumn. Si Jake, John, Alexis, at Skye.", pagpapakilala ni Aj. Ngumiti lang si Autumn.

Lumapit naman si John kay Autumn. "Ikaw ba si Autumn?", tanong niya na sinagot ni Autumn sa pamamagitan ng pagtango. "Pick-up line yun.", sabi niya sabay kamot sa ulo. Inulit niya ang tanong niya at nakisakay na si Autumn sa kanya. "Kasi parang nagfo-FALL na'ko sayo eh!".

"BOOM! PANES!", sabi naman ni Alexis. "Ako naman! Ako naman!", dagdag niya. Nag-isip siya saglit at saka lumapit kay Autumn. "Ikaw ba si Autumn?", tanong niya, "Au---, ---tumn-mama yata ang munting palaso mo sa puso ko!". (Oh, tumama)

"BOOM! PANES!", sabi ni Skye. "Okay. Ako na.", sabi niya tapos lumapit na siya kay Autumn. "Ikaw ba si Autumn?", tanong niya, "Kasi hindi buo ang taon ko kung wala ka!".

"BOOM! PANES!", sabi ni Jake. Lumapit siya kay Autumn. "Huhulaan ko ang kapalaran mo.", sabi niya, "Sa darating na panahon, sigurado akong Villaflor na ang surname mo!".

"Okay. Okay.", sabi ko naman, "Papasukin mo na nga kami sa loob, Aj.".

"Villaflor talaga ang magiging surname niya.", sabi naman ni Aj na hindi man lang ata pinakinggan ang sinabi ko.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon