Forty. What the...?!

3.4K 55 4
                                    

Writer's note: Guys! 12k naaaa....! Thanks po! :DDDDDDDDD Sana po nagugustuhan niyo ang takbo ng istorya! ^___^

&&&

previously on The Evil Prince...

Sa wakas, natapos na rin ang community service na parusa kina Aj at Phoenix. Nagkaroon ng oras na magkasama sina Autumn at Phoenix habang nagta-trabaho kaya ayos na rin kay Phoenix kahit na mahirapan pa siyang maglinis. Sa huli, naka-bonus pa siya ng halik sa noo ni Autumn.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Forty. What the...?!

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Good morning!", sabi ni Aj sakin pagdaan ko sa classroom nila. "Nakapuntos ka kahapon ah!". Lumapit siya sakin at bumulong, "Ano na ang status?".

"Good morning.", sabi ko. "Hindi ko alam. Pero katulad nga ng sinabi mo, Meron.". Dumiretso na'ko sa classroom. "Good morning.", sabi ko kay Autumn. Ngumiti siya at nag-greet rin. "Mag-rereview ka?", tanong ko nang mapansin ko ang mga libro sa desk niya.

"Hindi na.", sagot niya, "Next week na daw yung apat na subjects.". Tinago niya na ang mga libro niya at tumingin lang siya sakin.

Nakatitig lang siya sakin, which is rare lang mangyari, kaya pinabayaan ko nalang siya. Pero hindi ko rin kinaya kasi baka mag-blush pa 'ko. "Bakit?".

Nagulat siya sa tanong ko na parang hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya. "S-sorry.", sabi niya tapos umiwas na siya ng tingin.

"O-okay ka lang?", tanong ko sa kanya. Nararanasan niya na rin ang symptoms na naranasan ko dati... ibig sabihin, meron. Meron. Meron.Tumango lang siya. "Sabihin mo sakin kung hindi ka okay ah.", sabi ko. Tumango lang ulit siya. "Gusto mo'ko?", tanong ko sa kanya kasi baka tumango ulit siya. Para-paraan.

Tumango siya at sinabing, "Oo.". Nagulat ako sa sinabi niya. H-h-hindi lang tango, men! Nagsalita siya, men!!

"T-talaga?!". Tapos na-realize ko, baka ibang gusto ang tinutukoy niya. Palagi kasi siyang ganun. "Ah. Pati si Kenji, gusto mo, tama?". Tumango siya. "Sabi ko na nga ba eh.". Hay!

Nag-bell na at nagsimula na ang klase. Nakakamiss din pala 'tong klase. At nakakamiss rin ang pagkulbit sakin ni Autumn, syempre. "Pahiram.", sabi niya habang kinukulbit ako. Inabot ko sa kanya ang ballpen niya. "Salamat.".

Isang beses kasi naiwanan ko ang ballpen ko kaya naghiraman nalang kami ni Autumn gamit ang ballpen niya. Sa tuwing gusto niyang kunin yung ballpen, yung kamay ko ang kinukulbit niya. Nasarapan ako dun kaya hindi na 'ko nagdadala ng ballpen tuwing discussion.

"Pahiram.", sabi ko sabay kulbit rin sa kamay niya. Ganto kami tuwing discussion lang sa mga subjects, at pati na rin pala sa paggawa ng seatworks. "Thanks.".

krrriiinnngg krrriiinnngg (Break time)

Tinawag ako ni Kenji, "Phoenix!". Nilingon ko siya. "Tara, kain.", sabi niya na may kasama pang pagsenyas.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon