Nineteen. Double-date

4.5K 85 5
                                    

Writer's note: Dahil sa magandang feedbacks galing sa inyo... eto na po ang chapter 19! :D Nagsipag po talaga ako ngayon! ^__^ ...kahit na ngayon ko lang nai-publish. hihi :)

&&&

previously on The Evil Prince...

Nagdesisyon si Phoenix na ibalik na ang dati niyang sarili dahil sa nalaman niya kay Alexander. Inilalayo niya na rin ang sarili niya kay Autumn. Pero habang ginagawa niya yun, pumoporma na si Alexander kay Autumn at meron pa nga silang date eh.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Nineteen. Double-date

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Ano'ng gusto mong orderin, Jinie?" sabi ko sa kaharap ko sabay bigay sa kanya ng menu. "Hindi ka makapili?..."

"ah. e-e...to nal-lang." hirap na hirap sa pagsasalita na sabi ni Jinie, ang ka-date ko dito sa double-date na 'to, habang nakaturo sa gusto niyang pagkain.

"waiter." tawag ni Aj sa waiter. Nang makarating yung waiter sa table namin, sinabi niya na yung order nila ng ka-date niyang si Autumn.

Oo, magkasama kami sa double-date na 'to. Syempre! Para asarin si Aj! Alam ko kasing mahalaga sa kanya 'to eh! Sorry na lang siya! Masama ako eh. :P

Pano nga ba kami nagkasama dito?...

Ah! Kahapon kasi, hapon nang yayain ni Aj si Autumn sa isang date...

***

Natutulog lang ako sa desk ko pagkatapos ng last subject namin at nakauwi na rin ang lahat... este akala ko nakauwi na lahat.

Bigla nalang may narinig akong sigaw at nagising ako, "Auutttuuummmm!". Napadungaw tuloy ako sa bintana at nakita ko si Aj. Lumapit naman sa kanya si Autumn at tinanong kung anong nangyayari, aba eh, para ba namang may nangyari nang masama. Sumagot si Aj, "wala naman. A-ano kase eh... Akala ko nakauwi ka na. Balak sana kitang ihatid."

"Ah." sabi ni Autumn na parang hindi alam kung ano ang dapat sabihin.

"At dahil nandito ka pa naman..." sabi ni Aj sabay kuha sa bag ni Autumn, "ihahatid na kita.". Nag-ngitian silang dalawa nun.

"Thank you." sabi ni Autumn.

"Bukas nga pala, wag mo kalim------" yun yung mga salitang narinig ko kay Aj bago pa sila makalayo pero naputol rin.

"hayyyy..." napabuntong-hininga nalang ako.

Akala ko tahimik na ang paligid pero bigla-bigla nalang may nagsalita, "SELOS ka noh?". Halos napatalon na ako mula sa pagkakaupo, si Kenji pala. shit. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "hindi mo pa ba nasasabi sa kanya?" tanong ni Kenji.

"Wala naman akong dapat sabihin sa kanya eh." sabi ko naman.

"Huh?!" gulat na sabi niya, "Akala ko ba may gusto ka sa kanya?".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon