Twenty-Nine. The story behind crying girls

3.9K 75 3
                                    

Writer's note: Hala! Miss AnimeAddict4ever! Huwag kang mag-sori :3 Ang mahalaga nabasa mo pa rin :D Ganun din po sa ibang nagbabasa, wag kaung mag-sori :3 Thanks sa patuloy na pagbabasa! :D At sana hindi kayo magsawa! :D

&&&

previously on The Evil Prince...

Ang lalaki pala sa harap ng bahay nina Autumn ay yung batang tsinu-tutor niya. Dumaan lang para ibigay yung regalo tapos umalis na rin para sunduin ang kapatid niyang si Tristan. Nang mag-gabi na, as in sobrang gabi na talaga, mga 11pm, saka dumating si Phoenix na basang-basa dahil sa ulan. Nagpunta si Phoenix kina Autumn para i-celebrate ang birthday ni Autumn na siya ang kasama at nagawa naman nila yun kasi wala naman yung mama ni Autumn.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Twenty-Nine. The story behind crying girls

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Naglalakad ako papasok sa school building nang may narinig akong sigaw ng babae. Ako nalang ang estudyanteng naglalakad dahil late na naman ako, late kasi ako nagising eh. Dahil ako lang naman ang nakarinig at wala namang ibang pwedeng tumulong sa kung anumang pangyayari sa babaeng yun, nagpunta na ko sa pinanggalingan ng boses.

Sa right side ako nagpunta kasi parang dun galing pero pagdating ko dun, wala naman, pader lang ang dinatnan ko. Aalis na sana ako nun nang biglang sumigaw na naman yung babae at na-realize ko na rin na sa labas yun, sa likod ng pader na kaharap ko.

Para mabilis, inakyat ko nalang yung pader. Pagakyat ko, tumingin agad ako sa bab at nakita ko yung isang babae na binu-bully ng isang grupo ng mga FEELING chix.

Sinigawan ko muna yung mga nambu-bully, "Hoy! Itigil niyo nga yan!". Tumingin silang lahat sakin at tinanong naman ako ng lider nila kung sino ako. Bumaba muna ako bago sumagot. Lumapit ako at inakbayan ko yung babaeng binubully nila. "Boyfriend niya ako.", sabi ko, "Tigilan niyo na siya kung ayaw niyong makick-out sa school niyo. Umalis na kayo.".

Umalis nga yung mga babae at binitawan ko naman yung binubully na 'to. Paalis na sana ako nang bigla niya akong tinawag, "Phoenix?", sabi niya na parang patanong pa ata, pero pano naman ako nakilala ng isang babaeng nag-aaral sa ibang school? Di kaya sikat lang talaga ako?. Humarap ako sa kanya saka siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Nagbago ka na ba? Akala ko ba hilig mo ang pagpapaiyak ng mga babae?".

"Sino ka ba?", pagbabalik ko ng tanong sa kanya, "anong alam mo?".

"Isa lang naman kasi ako sa DATING patay-na-patay sayo pero niloko mo.", sagot niya. Hinawakan niya ang ID niya at saka ipinakita sakin. "Nicole May Ilagan.", sabi niya habang nasa mukha ko yung ID niya.

Nagulat ako at hindi ako makasagot nung una pero dumating rin sa punto na, "sorry.", sabi ko.

"Ano ulit, PRINCE?", sabi niya.

"sorry. ang bingi naman eh.", sabi ko, "saka ayoko nang maging 'PRINCE' nuh.". Sasabat pa sana siya pero inunahan ko siya dahil naalala ko kung ano yung ginawa ko ngayun-ngayon lang. "Pwede bang magpasalamat ka muna?", sabi ko sa kanya, "Nagbago na 'ko. Hindi na ko yung 'EVIL PRINCE' na sinasabi mo at nung kaibigan mo.".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon