Thirty. Blueberry Cheesecake

3.7K 66 5
                                    

Writer's note: Late na naman po. Sorry po. Oo nga po pala, yung tungkol sa nanay ni Autumn refer to chapter 28 nalang :) Baka po kasi redundant na kung ike-kwento ko ulit dito yun.

&&&

previously on The Evil Prince...

Nalaman ni Phoenix na dine-date ni Kenji si Nicole, na dati na niyang pinaiyak. Nagdesisyon siya na tulungan din si Kenji sa panliligaw para makabayad naman sa mga ginawa ni Kenji para sa kanya at kay Autumn. Mas nagkakalapit na sina Autumn at Phoenix ngayon dahil sa mahalagang bagay na pinagkaka-abalahan ni Alexander.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Thirty. Blueberry Cheesecake

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Panibagong araw ulit. Kahapon, nung nakasandal sakin si Autumn pati ako parang inantok na kaya nagpasya na rin akong umuwi. Pero hindi talaga napagod ang balikat ko dun.

Nakakapagtaka nga lang ang mga ginagawa ngayon ni Aj. Di kaya may problema siya? Hindi naman kasi siya nagsasabi eh. Tinanong ko rin si Autumn tungkol dun, pero sabi niya lang, may nangyari daw sa nanay ni Aj at sabi naman sa kanya ni Aj ay okay na daw ang pakiramdam ng nanay niya.

Break time na agad. Niyakag ako n-ni Aj? na sumama sa kanila ni Autumn? Yung totoo?... Sabi ni Aj, "Phoenix, sabay ka samin.".

Sumagot ako at sinabing, "ah. eh. hindi muna. may sasabihin pa ko kay Kenji eh.".

"ah, okay.", sabi naman ni Aj tapos umalis na sila ni Autumn.

Alam kong opportunity yun pero nakakapagtaka lang. Niyaya niya ako? O.O Meron talagang mali ngayon kay Aj eh, pero hindi ko alam kung ano yun. At ayaw rin naman niyang magsabi kaya hindi ko nalang inabala ang sarili ko tungkol dun.

"Ui!", napatigil ako sa pag-iisip dahil sa panggugulat ni Kenji. "Anung iniisip mo diyan?", tanong niya.

"Wala lang.", sagot ko naman. Nang sabihin ko yun, naisip kong lokohin si Kenji tungkol kay Nicole. "Ah! Iniisip ko nga pala yung nakita ko nung nasa rooftop ako.", pagbibiro ko. Tinanong niya kung ano yun pero sinabi ko puntahan nalang namin. Pagdating namin dun nagpunta ako sa pinwestuhan ko kahapon nung nakita ko sila at pinasunod ko sakin si Kenji. Tumuro ako dun sa ilalim ng puno kung saan ko sila nakita at sinabi kong, "May nakita kasi ako dun eh.", sabi ko.

Medyo napangiti siya... dahil sa kaba. Pero bigla nalang siyang tumawa at sinabing, "A-ano naman ang nakita mo dun?", tanong niya. Kunwari pa siya eh halata naman. Nakunaman, Kenji...

Natawa rin ako sa naging reaksyon niya. Tapos saka ko sinabing, "huwag kang mag-alala. hindi ko naman ipagsasabi yung tungkol sa inyo ni Nicole.".

Napaubo siya sa sinabi ko. "Phoenix?", sabi niya, "Stalker ba kita?".

"Baliw.", sagot ko naman, "Asa ka pang i-stalk kita nuh.". Umupo na ko sa sahig at saka ko siya kinausap, "Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong kay Nicole. Ako naman ang tutulong sayo.". Tinapik ko siya sa balikat, "Kaibigan mo'ko.". Parang hindi siya makapagsalita sa sinabi ko. Ano bang akala niya, ginagamit ko siya at nagpapagamit siya? ._.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon