Fifty. Confusion

2.6K 58 4
                                    

Writer's note: Happy 43k! :D Thanks sa patuloy na pagbabasa! ^___^

&&&

previously on The Evil Prince...

Kahit na mag-bf/gf na sina Phoenix at Autumn, hindi pa rin nawala sa eksena si Gale kasi siya ang fiancé ni Phoenix.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Fifty. Confusion

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Huwag na kayong bumaba.", sabi ni Alexis pagdating namin sa airport.

"Bababa kami. Sayang naman ang pagsama namin dito kung hindi naman namin kayo sasamahan dun.", sabi ni Gale. "Yun nga ang ipinunta namin dito eh.".

"Eh wala naman kasing nagsabi na sumama ka.", sabi ni Alexis tapos bumaba na siya sa van. "Hay! ewan.".

Si Gale naman, sumunod rin sa pagbaba pagkatapos ni Skye. "Phoenix.". Tinawag niya 'ko para bumaba na rin at nang hindi ako kumibo bigla nalang niya 'kong hinila kaya napilitan na rin ako. Pagbaba ko, nakita ko si Autumn na bumaba rin sa kotse na nakaparada sa harap ng sasakyan namin. "Andito sila?".

"Malamang. Kita mo naman eh.".

Bigla nalang may tumakbo galing sa likod namin ni Gale. Pinuntahan ni Alexis si Autumn at iniwas niya ang mata nito sa direksyon namin. "May ibibigay ako sayo.", narinig kong sabi ni Alexis tapos inakbayan pa niya si Autumn. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?

"Ipinagpalit ka na pala ni Autumn. Ah, wala nga pala siyang gusto sayo.", sabi ni Gale, "Oh, diba?...Tayo naman talaga ang dapat na magkatuluyan eh.".

"Hay. Pwede ba. Tigilan mo nga 'ko, Gale.", sabi ko naman tapos pinuntahan ko nalang sina Jake sa likod ng van para tumulong sa pagbababa ng gamit nila. "Tss.".

Kung makikita ni Autumn na magkasama kami ni Gale... 'Di kaya isipin niya na ipinagpapalit ko siya?... Anu ba yan....

"Oh, bakit?", biglang tanong ni John sakin, "Bro naman, magkikita pa naman tayo.", bigla niya 'kong inakbayan at inabutan pa 'ko ng panyo, "Alam ko namang mamimiss mo kami pero hindi mo naman kailangang umiyak.".

Siniko ko siya sa tagiliran. "Anong pinagsasasabi mo diyan?".

"Ay. Sorry. Akala ko naiyak ka eh.", sabi niya. Baliw talaga 'tong isang 'to eh.

"Tara na. Baka mahuli pa tayo dahil sa mga drama niyong ganyan.", sabi ni Skye. "Nasan nga pala si Alexis?".

"Andito na pala si Alexander eh.", sabi ni Jake, "Pati si Autumn. At ayun din si Alexis.".

"May singsing na kayo?", narinig kong sabi ni Gale. Napasilip tuloy ako sa nangyayari. Kausap niya sina Alexis at Autumn. "Wow, ang bilis mo, Alexis, ah.", dagdag pa niya, "Kami ni Phoenix, wala pa eh.".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon