Twenty-Six. I need inspiration

3.9K 73 5
                                    

Writer's note: Badtrip. Natalo ang La Salle :(  Anyway, ayos lang yun, meron pa namang next time. Atsaka basta patuloy 'tong story ko :) At oo nga pala! Malapit na tayong mag-5k! :DD

&&&

previously on The Evil Prince...

Nakumbinsi ni Phoenix si Autumn na pasamahin siya sa pagtsu-tutor. Sinabi ni Phoenix na para magawa na yung project nila pero nakalimutan niya naman kaya nung nakauwi na siya tinext na lang niya si Autumn na kinabukasan nalang nun kasi sabado naman at walang pasok.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Twenty-Six. I need inspiration

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Nagising ako nang maaga dahil sa hindi malamang dahilan. Tumingin ako sa relo sa itaas ng kama ko at nakitang 6 o'clock pa lang kaya naisip kong matulog ulit kasi ay sabado naman.

***

Sa pangalawang pagkakataon, nagising ulit ako. Tumingin ako sa itaas at nakitang 10 o'clock na. At pagtingin ko naman sa side table, nakita kong umiilaw yung phone ko. Text? Tiningnan ko kung ano yun at nakita ang:

from: miss Slooooooooww
Good morning, Phoenix. Anong oras mo ba ako susunduin? Para makapaghanda ako bago ka pa dumating samin.

Napanganga  ako sa nakita ko. At ang mas nagpanganga sakin ay received: 6:14 am. Syet. Nakalimutan ko na naman. Sinabihan ko nga pala siya na ngayon kami gagawa nung project.

Nireplyan ko muna siya saka nagmadali kasi tanghali na. Binilisan ko na ang lahat ng dapat gawin. Kung ano nalang ang madampot na damit, yun na. Hindi ko na rin kinalimutan ang camera na kailangang-kailangan para sa project. Mahirap na... baka mapabalik pa ako nang di oras.

Nagpahatid nalang ako kay kuya Rico para mas mabilis. Sayang nga lang hindi natuloy ang plano kong mag-taxi. Ayos lang basta hindi maghihintay nang matagal si Autumn.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nina Autumn. Bumaba na ako sa kanto at pinauna na si kuya Rico. Saka ako dumiretso kina Autumn. Gusto ko pa baleng kumatok sa pintuan ng bahay nila kaso nga lang...

"Good morning.", bati sakin ni Autumn na nasa labas na ng bahay nila at naghihintay sakin.

"G-good morning din.", sagot ko naman sa na sinundan ko ng maraming, "Sorry. Sorry talaga.".

"Okay lang yun.", sabi niya habang papalapit sakin, "san ba tayo magi-interview?".

"Siguro... dito nalang. Marami ka naman atang kakilala dito eh.", sabi ko nang nakangiti. Umiling siya sa sinabi ko. "huh?. eh pero kaya mo namang makipag-usap sa kanila diba?", tanong ko.

Umiling ulit siya at sinabing, "ikaw nalang ang makipag-usap sa kanila. Hindi kasi talaga namin ka-close ang mga tao dito eh.". Ako naman ang umiling sa sinabi niya. "Bakit naman?", tanong niya.

"Eh alam mo naman kasi... hindi ako magalang eh.", sagot ko sa kanya.

"Alam ko.", sabi niya, "Pero kaya mo naman yun eh. Mangongopo ka lang naman eh.".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon