Fifty-Three. The Evil Prince

3.3K 59 5
                                    

Writer's note: Huli na itu... Thanks sa lahat ng sumuporta ah! <3 Lab na lab ko kaung lahat! Promise! <3 Mamimiss ko kayo! ^___^

&&&

previously on The Evil Prince...

Hindi pa rin nagkausap sina Autumn at Phoenix hanggang sa pagdating ng Araw ng mga Puso... gumawa si Autumn ng cupcake para kay Phoenix pero hindi niya naman yun naibigay.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Fifty-Three. The Evil Prince

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Anung nangyari sayo?", tanong ni dad sakin.

"Natapunan lang po ng cupcake.", sagot ko, "Sige po.", tapos umakyat na 'ko sa kwarto ko para mag shower.

Natapunan ako ng cupcake sa damit. Pagdaan ko sa hallway, nang pauwi na 'ko, nakasalubong ko si Aj. Akala ko ibibigay niya sakin yun cupcake kasi baka gusto niyang makipagbati pero bigla nalang niya 'yung itinapal sa mukha ko tapos ipinunas sa polo ko yung isa pang cupcake. Napaisip tuloy ako, Anong problema nun?

Pagkatapos kong mag shower, nagbihis ako at lumabas ng c.r. tapos biglang may kumatok. Yung maid namin. "Sir, meron ho akong nakuhang papel sa polo niyo.", sabi niya sa kabilang side ng pinto, sa labas. "Iiwan ko nalang ho dito.". Tapos narinig ko'ng bumaba na siya ng hagdan.

Lumabas naman ako agad at kinuha ko yung maliit na piraso ng papel. Nagulat ako nang makita ko ang nakasulat,

To: Phoenix
Happy Valentine's Day! <3
From: Autumn

Ang cute! May heart pa!... T-teka lang, galing sa kanya yung cupcake?! E-eh bakit hindi siya ang nagbigay sakin?... Inihilamos pa tuloy ni Aj yung cupcake sa mukha ko. Eh bakit ba ginawa yun ni Aj?

Haaay. Anyway, gusto talaga ni Autumn na makausap ako. At kailangan naman talaga namin yun para magkaintindihan kami, para maintindihan niya ang sitwasyon namin at para malaman ko kung ano'ng gusto niya... hindi yung ako lang ang nagdedesisyon para sa relasyon namin. Kaya lang paano?

Hindi pwede sa school dahil kay Gale. Hindi rin pwedeng text o tawag dahil pinagpalit ako ni dad ng sim at hindi ko saulo ang number niya. Hindi rin naman ako pwedeng pumunta sa kanila dahil hindi ako papayagan ni dad. Aaahh! Asar!


***

Kinabukasan nun. Sinubukan kong humingi ng tulong kay Kenji... pero nang sasabihin ko palang ang pangalan niya, tinalikuran niya na agad ako. Sinubukan ko rin sa girlfriend ni Aj, kay Allie... pero wala rin. Hindi ko naman malapitan si Aj, kasi ang init ng dugo niya sakin. Hindi rin kay Autumn, baka matsismis pa kami at siguradong si Autumn ang masasaktan sa sasabihin ng iba. Ano bang nangyayari sa mundong 'to?

"Gale. Mauna ka na sa pag-uwi.", sabi ko sabay abot ng bag niya sa kanya, "Pahatid ka nalang kay kuya Rico.".

"Bakit?", tanong niya.

"May gawain pa 'ko sa student council.", sagot ko. "Marami yun kaya baka mainip ka lang.".

"Hmm... Okay...". Tapos umalis na siya. Ako naman, pumasok ulit sa classroom. Nag-iwan ako ng papel sa desk ni Autumn bago ako lumabas ulit tapos nagpunta muna ako sa student council room. Pagpasok ko, walang tao, syempre, wala naman kasing mga gawain ngayon eh. Excuse ko lang yun.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon