SP2

3.2K 43 4
                                    

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Special 2. The Arrogant Prince

Point of View:

-Autumn Garcia-

"Uuuuuyy!! Parating na siya!", sabi ni Gale, ang kaklase kong sobrang makatili tuwing dumarating ang pinakamayaman at pinakagwapong lalaki sa school namin. "Waaahh...!", sabi niya habang nakadungaw sa bintana ng classroom namin at nakatingin sa crush niyang pababa ng magarang sasakyan na lagi nalang pasikat sa mga bagay na meron siya. "Ang gwapo niya....!".

"Ang ingay naman nito eh...", bulong ko sa inis dahil sa pagtili ni Gale. "Hindi na 'ko makapagreview nang ayos...".

Pero simula pa lang yun ng araw ko. Eto naman ang kasunod. Break time.

"Oy! Padaanin niyo si Phoenix!!", sabi ng mga alipores ng pinakamayaman at pinakagwapong lalaki sa school.

Achuchu. Eh dinidikitan lang naman siya nang mga ugok na yun kasi gusto din nilang maging sikat. Pero wala pa rin, alipores lang sila ng pinakamaya---- ay basta nung lalaki na 'yun.

Ayun. Syempre, tumabi aman ang lahat... pero ako tuloy lang sa pagbili. Pagkatapos kong bumili, pagtalikod ko sa tindera, nasa harapan ko ang pinakamayaman at pinakagwapong lalaki sa school namin NA ubod naman ng yabang.

Tinitigan niya lang ako na parang sinasabing, umalis ka sa dadaanan ko. Pero ako tinitigan ko lang rin siya na parang sinasabing, hah! sino ka sa akala mo?!.

Masyado akong matigas para mapasunod ng pinakamayabang na tao sa mundo kaya hindi ako tumabi. Nagantayan kami kung sino ang tatabi para makadaan ang isa samin pero dahil sa tagal mukhang nabadtrip na siya, "pwede bang tumabi ka?".

"Eh bakit hindi ikaw ang tumabi?", sumenyas ako sa gilid ko kung saan may malaking space para makadaan siya, "Oh, pwede ka namang dumaan dito, diba?".

"Ah. Edi pwede ka ring dumaan diyan, diba?", pagbabalik niya nang pahayag ko. "Tabi.".

At dahil wala na kong masabi---- ay hindi, dahil pala wala nang patutunguhan ang pag-uusap namin, ako na ang nagpakumbaba at tumabi para makaalis na rin at makakain dahil gutom na 'ko. Saka hindi naman maaasahan ang lalaking yun na magpakumbaba sa ibang tao nuh... sobrang taas ng pride nung mayamang tao na yun eh. Porket anak lang siya ng presidente ng pinakamalaking kumpanya eh, ganun na siya... aba teka!

iisshh. Anyway, hindi rin dun nagtatapos ang araw ko dahil meron pang uwian...

At as usual, napasabay na naman ako sa pag-uwi ng pinakamaya---- nung lalaking Phoenix na yun.

Palabas ako ng gate ng school nang bigla nalang may humarang na sasakyan sa harapan ko. Muntik pa 'kong masagi. "Ayos naman ng pagda-drive, mister.", sabi ko sabay katok sa bintana ng sasakyan.

"Huwag mong dumihan yan, pwede?". Narinig ko mula sa likod ko na boses ng Phoenix na 'yun. "Alis.".

Arrgghh. Sa araw-araw na lang ng buhay ko?!

Hinarap ko ang maybang na nilalang na yun. "Pasensya na po dahil nadumihan ko ang bintana ng sasakyan niyo, sir.", sabi ko nang may halong inis at pang-iinis na rin, "Huwag po kayong mag-alala kasi... hindi lang yan ang gagawin ko!". Paawa effect nung una tapos bago ako umalis, inapakan ko ang sapatos niya.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon