Twenty-Four. Sleep talking

4.1K 69 6
                                    

Writer's note: Guys!! 24 na tayo! At 4k na!!! Thank you talaga sa suporta!! ^____^

&&&

previously on The Evil Prince...

Naisip ni Phoenix na si Autumn talaga ang mahal niya kaya naman gagawa na siya ng paraan para mas mapalapit kay Autumn nang hindi nahahalata ni Alexander. Magiging parang tropa-tropa ang pakikitungo ni Phoenix kay Autumn (yung parang lalaki ang turing niya) para hindi makahalata si Alexander.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

 

Twenty-Four. Sleep talking

Point of View:

-Autumn Garcia-

"Autumn!" tawag sakin ni Phoenix na tumatakbo papalapit sakin mula sa gate. "Good morning!", sabi niya nang makarating siya sakin na may kasamang ngiti, "sabay na tayo.".

Nawe-weirdohan ako sa kanya kasi matagal niya na akong hindi binabati pero sumagot naman ako sa kanya, "Good morning din.". Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nagpunta muna ako sa locker ko para kumuha ng mga libro kaya pinauna ko na si Phoenix. Akala ko umuna na siya sakin pero pagsarado ko ng pinto ng locker, nakatayo lang siya dun sa tabi. "Ako na magdadala niyan.", sabi ni Phoenix habang inaabot yung mga libro ko. Hindi ko siya hinayaang kunin yung libro ko tapos bigla nalang niyang binitawan nang walang dahilan kaya nahulog tuloy. "Anu ba yan...", narinig kong sabi ni Phoenix.

Pinulot ko mag-isa yung mga libro tapos may nakita kong isa pang kamay na tumutulong pumulot ng mga libro. Akala ko si Phoenix kasi siya yung nakahulog pero si Xander pala.

Pagkatapos naming pulutin yung mga libro, kinuha naman ni Xander yung mga napulot ko at siya ang nagdala. "Ako na magdadala nito.", sabi niya. Aangal bali ako pero tinakpan niya ang bibig ko at sinabing, "huwag ka nang magsalita, Autumn. Ako na ang bahala.", sabay ngiti.

Nginitian ko nalang rin si Xander. "Tara na.", sabi naman ni Phoenix na kasama nga pala namin. Nakakapanibago kasi eh. Dati tumigil na siya sa pagsama samin kasi lagi niyang kasama yung Gale pero ngayon nandito na ulit siya.

Hindi lang ng umaga pati recess  at lunch break, magkakasama na ulit kaming tatlo... at napapangiti naman ako kasi kasama na ulit namin si Phoenix, kahit medyo weird.

"Ubusin mo yan, Autumn.", sabi sakin ni Phoenix na sinang-ayunan naman ni Xander. Mukhang nagbalik na rin yung dating samahan ng dalawang 'to... kasi nung mga nakaraang araw parang hindi sila nagpapansinan eh. "Kapag hindi mo yan inubos, ako uubos niyan." banta ni Phoenix sakin tapos nagtawanan sila ni Xander, "joke lang.".

krrriiiiiinnnngg krrriiiiiinnnngg

Nang marinig namin ang bell nagpunta na agad kami sa kanya-kanya naming room at syempre kasama ko si Phoenix dahil magkaklase kami.

Umupo na ako sa upuan ko nang bigla nalang may tumabi sakin at nagulat ako nang makita kong si Phoenix yung tumabi sakin. "Hindi ka tatabi kay Gale?", tanong ko sa kanya na sinagot niya ng pag-iling ng ulo niya. "Ahhh. magkagalit kayo?", isa ko pang tanong kasi medyo na-curious lang ako.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon