Forty-Five. Grounded

2.9K 47 3
                                    

Writer's note: Waaahh! >/////< 24k! *0* haha! Thanks! Thanks! Thanks! <3 <3 <3 Ah! At panalo nga pala ang Davao Lady Agilas kanina sa VLeague! :D Haha! Ang ganda nng laban eh!

&&&

previously on The Evil Prince...

Sinamahan nina Autumn at Phoenix si Aj na pumunta sa mall para makipagkita sa niretong babae sa kanya ni Kenji at ang babaeng yun pala ay ang kaklase nilang si Allie. Nagkaroon ng time sina Phoenix at Autumn na maggala habang nagde-date si Aj at Allie.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Forty-Five. Grounded

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Maganda sana 'tong araw na'to kasi nakasama ko si Autumn at nakipag-bonding rin kaming dalawa kina Kenji at Aj, pati na rin kay Allie kaso nga lang, pag-uwi ko...

"Nakipag-date ka daw?", tanong sakin ni dad na nakaupo sa sofa sa living room pagkapasok ko sa bahay.

"Medyo.", sagot ko naman. Tinanong niya kung sino ang dinate ko at sumgot naman ako, "si Autumn.". Kahit kailan, hindi pa 'ko nagsinungaling kay dad. Tatay ko siya at sinanay niya 'ko simula pagkabata. Siya kasi ang nakasama ko matapos na umalis ang babaeng yun.

"Hiwalayan mo yan.", sabi niya na ikinagulat ko.

"A-ah, maayos siyang babae.", sabi ko, "Maganda. Mabait. Matalino. At kapatid siya ni Aj... walang mali sa kanya, dad.". Isa pa, hindi pa kami.

Pinaupo niya ako sa upuan na nasa harapan niya. "Yun na nga ang dahilan... dahil kapatid siya ng Aj na yun na anak ng mga Hernandez.", sabi niya na ipinagtaka ko. "Magnanakaw sila.", sabi niya, "Malaking pera ang ninakaw ng Hernandez na yun sa kumpanya natin.".

"S-sandali lang.", sabi ko naman, "Baka naman nagkakamali kayo. Hindi naman magagawa ng tatay ni Aj ang sinasabi mo, dad.".

"Basta, lumayo ka sa mga anak niyan.", sabi ni dad, "Grounded ka kapag nakipagkita ka sa mga 'yan.". Tumayo na siya at umalis nang hindi pinapakinggan ang sinabi ko.

Pano naman nangyari yun? Imposible. At bakit naman nadamay kami ni Autumn dun?!

Umakyat ako sa kwarto ko at tinawagan ko si Aj. "Anong pinagsasasabi ni dad?", tanong ko sa kanya, "Magnanakaw daw ang tatay mo?".

"Sabi ni papa, anlakas daw mang-bintang ng tatay mo.", sagot niya, "At layuan ka daw namin. Ayaw na daw niyang magkaron ng koneksyon ang pamilya namin sa pamilya niyo.".

"Waah? P-pati si Autumn?".

"Ganun na nga.", sagot niya.

"Ganyan nga din ang sinabi sakin ni dad eh.", sabi ko, "Grounded daw ako 'pag nakita niyang kasama ko kayo.".

"Ganun?!", sabi niya, "Eh pano ang love story niyo?", sabay tawa pa. "Ui. Pero ano bang pumasok diyan sa utak ng tatay mo?", bumalik siya sa pagiging seryoso, "Matagal na silang magkaibigan ni papa, diba?".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon