Thirty-Four. Sleep-over

4K 68 3
                                    

Writer's note: Thanks po sa 8k!! ^___^ Oo nga pala! Guys, diba sabi ko sa unang chapter, 3rd year sila.... mali po pala... 4th year na po pala. hihi :)))

&&&

previously on The Evil Prince...

Pumasok na naman sa eksena si Gale pero mabuti nalang nandun din si Alexander at napigilan ang "di kaaya-ayang" pangyayari. Nalaman na ni Phoenix ang dahilan ng paglayo sa kanya ni Autumn at naging okay na sila.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Thirty-Four.

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Aral-aral na naman...

Exam na naman...

Pero ayos lang, kasama ko naman si Autumn na mag-review...

Kaso lang, kasama rin sina Kenji at Alexander...

Pwede na rin... Hindi naman din kami nag-aaral eh :P

"Huwag, Autumn.", sabi ni Aj kay Autumn na balak na sana akong yakapin. "Ibahin mo ang utos mo, Kenji.", sabi naman niya kay Kenji.

Naglalaro kasi kami ng King's Game at si Kenji ang king. Ang utos niya ay yakapin ni number 3 si number 4. Si Autumn ang number 3 at ako naman ang number 4.

"Pero ang utos ng hari ay hindi nababali!", katwiran ni Kenji.

Bakit nga ba parang kinakalaban na naman ako nito, ni Aj... Ah!

Isang beses, pagkatapos kong malaman yung tungkol sa kanila ni Autumn, sabi ko sa kanya, "Pano na yan? Wala na 'kong kalaban kay Autumn. Hindi na 'ko mahihirapan...".

Sumagot naman siya, "ah ganun?", sabi niya, "madali naman akong kausap eh. Edi hahadlang ako sa inyo.". Tinapik niya ako sa balikat, "Saka sa tingin mo ba mahuhulog agad sa'yo si Autumn... Nakunaman, Phoenix.".

Dapat pala hindi ko na sinabi yun. Saka binibiro ko lang naman siya nun... at akala ko binibiro niya lang rin ako... tapos eto na nga.

"Sige na.", sabi ni Aj, "OPO, KING KENJI.". Natawa nalang si Kenji, pati kami ni Autumn.

"Okay! Suko na ang kuya mo kaya...", sabi ni Kenji, "Number 3, yakapin mo na si number 4!".

Suko na nga si Aj. Dapat lang kasi kanina pa siya kumokontra eh. Suko rin ang kuya! haha! T-teka nga lang... alam ni Kenji? at alam na rin ni Autumn?

Lalapit sana ako kay Aj para tanungin siya pero naalala ko kailangan muna nga pala akong yakapin ni Autumn. Syempre, nagpayakap muna ako.

Pangalawang beses na yun pero ewan ko kung bakit... basta... ang sarap sa pakiramdam. Bigla akong nakarinig ng tunog mula sa camera at tumama rin sakin ang flash. "huh?", pagtataka ko.

"Huli!", sabi ni Kenji, "Nagblu-blush si Prince!". Nagtawanan silang dalawa ni Aj.

Umalis na sa pagkakayakap sakin si Autumn. "Sandali lang ah.", bulong ko sa kanya. Yinakap ko ulit siya at mukhang na-distract nun ang dalawang ugok. Habang yakap ko si Autumn kinuha ko yung unan sa likod niya tapos ibinato ko yun kay Kenji. "Oh! ano ha?!".

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon