Forty-Two. Say it again

3K 62 9
                                    

Writer's note: Guyzz! Asenso tauu!! :D Thanks po ng maraming-marami! ^__^ Andami nang galit kay Phoenix... xD haha! Pero malalaman niyo na ang dahilan kung bakit siya ganun! ;)))

&&&

previously on The Evil Prince...

Nasaktan si Phoenix sa nakita niya kaya nang mga sumunod na araw hindi siya kumausap ng kahit na sino. Hindi niya rin tinanggap ang sorry ni Autumn. Kahit sembreak na, nakatanggap pa rin siya ng text galing kay Autumn at nag-reply na siya dito pero wala siyang balak na sumipot sa pinag-usapan nila.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Forty-Two. Say it again

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

5am palang nagising na'ko, at naalala ko na ngayon ang araw na sinabi ko kay Autumn na magkikita kami para makapag-usap.

Tiningnan ko ang tinext ko kay Autumn kahapon. 8pm ang usapan namin. Sayang naman baka hindi ako makapunta kasi marami akong gagawin ngayon...

Una kasi...

"Good morning.", sabi ko sa secretary ni dad na magtu-tour sakin dito sa kumpanya. Ako naman kasi ang susunod na magmamay-ari nito kaya kailangan ko na ring malaman ang mga bagay-bagay dito.

"Sir, dito po tayo.", sabi naman ng secretary ni dad tapos umuna siya sa paglalakad at sumunod nalang ako.

Mabilis na natapos ang pagtu-tour sakin. 1 hour lang. "Baka meron pa tayong hindi napupuntahan...", sabi ko. Umiling lang yung secretary.

Pangalawa...

"Sir, i-try mo 'tong kanta na'to.", sabi ng teacher ko. Nagpunta naman kasi ako sa music school para sa piano lesson ko na naka-schedule ngayon.

"Okay.", sabi ko naman tapos tinugtog ko na yung piece na binigay sakin.

Pangatlo...

"Phoenix!", tawag sakin ng pinsan kong si John. "Eto ang pinsan nating gago!", pagpapakilala niya sakin sa iba pa naming pinsan.

Sinabihan kasi ako ni dad na salubungin sila sa pagdating nila mula America. Umuwi sila para dito mag-celebrate ng pasko. Magaling silang mag-filipino kasi dito naman sila lumaki, umalis lang sila para dun mag-highschool... may alam pa ngang mura ang gagong John na 'to eh.

Tinulak ko si John, "Kilala naman ako ng mga pinsan natin eh.". Tumango yung iba naming nakakababatang pinsan.

"Nood tayo sa sinehan, Phoenix!", sabi ni John na sobrang sigla. Tumango naman sina Skye, Alexis,at Jake. Mga pinsan ko din sila na ka-team ko rin sa basketball. Kami ang starters ng basketball team ng angkan namin. Sigurado akong pagkatapos naming manood ng pelikula, magyayakag na ang apat na'to...

"Sige.", sabi ko naman. Iniwan namin ang mga nakababata naming pinsan sa bahay kasama ng mga nanay at tatay nila. Nagpahatid kami kay kuya Rico sa mall. "Oh, akala ko ba manonood tayo ng pelikula?", tanong ko sa apat kong kasama kasi bigla nalang silang nagpunta sa department store.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon