Thirty-One. They're... what?!

3.6K 67 6
                                    

Writer's note: A-akala ko din lalaki ka, King25 ._. Anyways, magse-7k na tau! :D Thank you Thank you :)))

&&&

previously on The Evil Prince...

Naingit si Phoenix sa pagka-sweet ni Nicole kay Kenji. Bakit daw kasi hindi ganun sa kanya si Autumn. Pero laking gulat niya nang bigyan siya ni Autumn ng paboritong cheesecake niya dahil sa pag-aalala nito na hindi na naman kumain si Phoenix. Isa pang ikinagulat ni Pheonix ay ang PARANG pagtulong ni Alexander sa kanya para mapalapit kay Autumn. Meron talagang mali kay Alexander eh.

The Evil Prince

written by imnotgivingup

Thirty-One. They're... what?!

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

"Autumn, sandali lang.", sabi ko sabay hila ko kay Autumn papunta sakin. "Ayusin natin yang buhok mo.", sabi ko. "Tanggalin natin 'to saka ito.", tinanggal ko ang pagkaka-braid ng buhok niya. "Oh, suklay.", sabi ko, "Baka kapag ako ang nagsuklay sayo, isipin mo pa na 'may future' ako. Kaya ikaw na.".

"Okay.", sabi naman ni Autumn. Habang nagsusuklay siya, "Phoenix, ano... wala.".

"huh? anung wala?", tanong ko naman. "Anyway, tanggalin mo rin 'to.", tinanggal ko ang salamin niya. Kahit pinigilan niya 'ko, tinanggal ko pa rin. "Ilagay mo 'to.", iniabot ko sa kanya ang lalagyan na may contact lenses pero hindi naman niya kinuha, "Contact lens yan.".

"Yung salamin nalang.", sabi niya.

"I-try mo lang 'to. Ngayon lang.", sabi ko naman, "Ngayon lang tapos tatanggalin din. Ngayong araw lang.". Pinalapit ko sya sakin, "Ilalagay ko ah.". Tumango lang siya pero parang ayaw niya talaga kasi natatakot siya. Pinalapit ko pa siya sakin kasi dapat naman talaga ganun eh. "Tingin ka sa taas, tapos sakin...", hindi siya tumitingin sakin kaya inulit ko, "ui, tingin ka sakin.". Tumingin na siya at inilagay ko na yung contact lens, "mag-blink ka hanggang sa feeling mo nakapwesto na yung lens.".

"Okay.", sabi niya. Pagkatapos nun, yung kabilang mata naman niya ang nilagyan ko.

"Oh, nakikita mo ko?", tanong ko sa kanya na sinagot niya ng pagtango. "Ayos, diba?".

"Oo. Eh pano 'to tanggalin?", tanong naman niya sakin.

"Ah. eh. Hindi ko alam eh.", sabi ko sabay kamot sa ulo. Magrereklamo na sana siya pero pinigilan ko siya. Tapos, hinawi ko yung buhok niya, nilagay ko sa likod at nilagyan ng clip. "Joke lang. Syempre, alam ko...", sabi ko sa kanya at saka ako bumulong sa sarili ko ng, "...kahit papa'no.".

"Okay.", sabi niya na parang relieved sa sinabi ko. "Thank you, Phoenix.", sabi niya habang nakangiti.

Shit. Ang ganda niya talaga. Sabi tuloy ng isip ko, Nakunaman, Autumn... huwag kang ganyan, mas lalo tuloy akong naiin-love sayo. "Basta ikaw.", sabi ko.

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon