Seventeen. Wasn't it real?

4.8K 97 3
                                    

Writer's note: Guys! Kung gusto niyo pong magpa-dedicate sa kahit anung chapter, sabihin niyo lang po at ako'y tutugon <<(makaluma nuh?) :DD

&&&

previously on The Evil Prince...

Dumaan ang mga practice days para sa stage play at syempre, kasunod noon ay ang presentation. Naging maayos ang presentation ng klase ni Alexander at ganun rin naman ang kina Phoenix... kaso napa-aga yung kissing scene nina Cinderella at ng prince niya.

The Evil Prince

written by imnogivingup

 

Seventeen. Wasn't it real?

Point of View:

-Phoenix Villaflor-

Kiniss ko siya sa pisngi niya.

Pagkatapos nun... nagulat kami nang biglang magsara yung kurtina. At saka lumapit samin si class rep, "tapos na.", sabi niya. Siguro kasi napansin niya na nagtataka kaming dalawa ni Autumn at dahil na rin sa sabay naming pagtingin sa kanya.

Oo nga pala! Yun yung last part, kissing scene. "Sorry, Kenji." sabi ko sa kanya, "nawala kasi ako sa eksena eh... na-advance ko pala." Yun nalang ang sinabi ko kasi alangan sabihin ko yung tunay na dahilan.

Akala ko magagalit si Kenji... pero nagulat ako nang bigla nalang siyang napangiti saming dalawa ni Autumn at sinabing, "nice one, mga dre!" sabay akbay saming dalawa. Hinayaan ko nalang yung akbay niya sakin pero yung kay Autumn inalis ko. "Ganda ng play natin! Tama lang yung ginawa mo, para naman maiba yung story. Ayus din. Saka mas sweet yun ah!"

"sige. magpapalit na'ko." sabi ni Autumn habang paalis na. Malayo na sana si Autumn pero hinabol siya ni Kenji at kinausap... pagkatpos sinama niya na pabalik sa kinaroroonan ko si Autumn.

Bigla akong hinila ni Kenji at binulungan, "ang ganda ni Autumn, diba?" sabi niya. "May gusto ka sa kanya diba?", napaubo ako sa sinabi niya at naramdaman ko rin uminit ang mukha ko... shit. I'm blushing. Napatawa siya dahil sa nakita niya ang mukha ko at sinabing, "sabihin mo na ngayon... baka maunahan ka pa ng iba.", sabay hampas sa likod ko. Binalak ko sanang prumotesta sa mga sinasabi niya pero bago pa ako makapagsalita, inunahan niya na ko, "Halata naman, dre." sabay ngiting ewan.

Ang obvious ko ba?! Shit naman. Hindi ko alam eh. 'Di kaya dahil sa mga sinabi ko kanina? ... ... ... What the shitting shitty shit?! Wala nga palang I love you sa script!!! BOBO ko na talaga!

Tinulak ako ni Kenji papunta kay Autumn pagkatapos niya kong bulungan ng mga kagaguhan niya. "Anung kailangan mo, Phoenix?" tanong ni Autumn sakin na sinagot ko rin naman ng tanong na huh?, "sabi ni Kenji may sasabihin ka raw."

Errrh. Yung Kenji na yun! May sapak! Shit.

"Ahhhh..." alam ko na kung anung gagawin, "tara sa rooftop." sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko na ang kamay niya. Nang papaalis na kami, napatingin ako kay class rep Kenji... nakangiti siya as in NGITI na MALAKI. Nakakabadtrip yun ah.

Nang makarating kami sa rooftop, umupo ako dun sa lagi kong pinepwestohan, dun sa may sandalan. Tapos si Autumn naman, tumayo lang... naka-gown nga pala siya. Napilitan din akong tumayo nun at dumungaw nalang kami sa pasimano dun sa rooftop.

Tumingin ako sa direksyon niya at tumingin rin siya sakin. Ngumiti siya... naramdaman kong nagba-blush ako kaya tumingin nalang ako sa baba. At saka nagsalita, "sa pisngi lang kita kiniss... h-hindi dahil sa ayoko sayo! Anu lang eh..."

The Evil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon